Add parallel Print Page Options

Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan

Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga kapatid sa iglesya. Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo silang sumigla sa pagtulong. Kaya't pinapapunta ko riyan ang mga kapatid na ito upang mapatunayang tama ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko.

Read full chapter

Ang Ambagan para sa mga Taga-Jerusalem

Tungkol naman sa pag-aambagan para sa mga banal, hindi ko na kailangang sumulat pa sa inyo tungkol dito. Sapagkat alam kong handang-handa na kayong tumulong, na siya ngang aking ipinagmamalaki tungkol sa inyo sa mga taga-Macedonia. Kayong nasa Acaia ay nakapaghanda na noong nakaraang taon pa, at ang inyong sigasig ang gumising sa karamihan sa kanila. Ngunit isinugo ko ang mga kapatid upang ang ipinagmamalaki namin tungkol sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan, gaya ng aking sinabi na kayo'y maghahanda.

Read full chapter