Add parallel Print Page Options

10 Kaya ito ang payo ko: mas mabuting ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-iipon ng kaloob na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang nanguna, hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa paghahangad. 11 Kaya't tapusin na ninyo ito! Ang sigasig ninyo noon sa paghahangad ay tumbasan ninyo ng sigasig na tapusin ang bagay na ito. Magbigay kayo ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung may hangaring magbigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong kaloob ayon sa inyong makakaya at hindi ayon sa hindi ninyo kaya.

Read full chapter

10 At tungkol dito'y ito ang maipapayo ko: pinakamabuti para sa inyo ngayon na tapusin ang sinimulan ninyo nang nakaraang taon, hindi lamang ang paggawa kundi ang pagnanais sa inyong gagawin. 11 At ngayon, tapusin ninyo ang gawain, upang ang inyong matinding pagnanais na gawin iyon ay matumbasan ng pagsasagawa ninyo nito, ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung talagang handang magbigay ang isang tao, tinatanggap ang kanyang kaloob batay sa kung anong mayroon siya, at hindi batay sa wala sa kanya.

Read full chapter

10 At sa ganito'y (A)ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang (B)nangagpasimula na (C)may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais.

11 Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.

12 Sapagka't (D)kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.

Read full chapter

10 And here is my judgment(A) about what is best for you in this matter. Last year you were the first not only to give but also to have the desire to do so.(B) 11 Now finish the work, so that your eager willingness(C) to do it may be matched by your completion of it, according to your means. 12 For if the willingness is there, the gift is acceptable according to what one has,(D) not according to what one does not have.

Read full chapter