2 Corinto 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Bilang mga kamanggagawa ng Diyos, nagsusumamo kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagtanggap ninyo ng kanyang biyaya. 2 Sapagkat (A) sinasabi niya,
“Sa tamang panahon ikaw ay aking pinakinggan,
    at sa araw ng kaligtasan ikaw ay aking tinulungan.”
Ngayon na ang tamang panahon; ngayon na ang araw ng kaligtasan. 3 Hindi kami nagbibigay ng dahilan upang ang sinuman ay matisod, upang hindi mapintasan ang aming paglilingkod. 4 Kundi, sa lahat ng mga bagay, bilang mga lingkod ng Diyos, sinisikap naming maging kagalang-galang. Ito'y kahit sa gitna ng maraming pagtitiis, mga pagdurusa, mga paghihirap, at mga kalungkutan, 5 sa (B) mga pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga pagpapagal, mga pagpupuyat, at sa pagkagutom. 6 Maging sa katapatan, kaalaman, pagtitiyaga, at kagandahang-loob; sa Banal na Espiritu at sa pag-ibig na hindi pakunwari; 7 sa pagsasalita ng katotohanan at sa kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit namin ang mga sandata ng katuwiran sa kaliwa't kanan, 8 kahit ito'y humantong sa karangalan o kahihiyan, sa panlalait o sa papuri ng kapwa. Nananatili kaming tapat kahit itinuturing kaming mga huwad; 9 kahit kilala, itinuturing na mga hindi kilala; tulad sa mga naghihingalo, gayunma'y nabubuhay; tulad sa mga pinaparusahan, ngunit hindi pinapatay; 10 tulad sa mga nalulungkot, subalit laging natutuwa; tulad sa mga dukha, subalit maraming pinayayaman, tulad sa mga walang-wala, subalit mayroon ng lahat ng bagay.
11 Matapat kaming nagsalita sa inyo, mga taga-Corinto, maluwang naming binuksan ang aming puso para sa inyo. 12 Hindi namin kayo pinaghihigpitan, kundi pinaghihigpitan kayo ng sarili ninyong damdamin. 13 Kinakausap ko kayo ngayon na parang sarili kong mga anak, buksan din naman ninyo ang inyong mga puso.
Ang Templo ng Diyos na Buháy
14 Huwag kayong makipamatok nang hindi patas sa mga di-mananampalataya. Sapagkat anong samahan mayroon ang katuwiran at kamalian? O anong pakikisama mayroon ang liwanag sa kadiliman? 15 At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya? 16 Anong (C) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo[a] ay templo ng Diyos na buhay. Gaya ng sinabi ng Diyos,
“Ako'y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila,
    ako'y magiging Diyos nila,
    at sila'y magiging bayan ko.
17 Kaya't (D) lumabas kayo sa kanila,
    at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon.
Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi,
    at kayo'y aking tatanggapin,
18 at (E) ako'y magiging ama ninyo,
    at kayo'y magiging mga anak ko,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”
Footnotes
- 2 Corinto 6:16 Sa ibang mga manuskrito kayo.
哥林多後書 6
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
6 身為上帝的同工,我們勸你們不要辜負祂的恩典。 2 因為祂說:
「在悅納的時候,
我應允了你;
在拯救的日子,
我幫助了你。」
看啊,現在正是悅納的時候!看啊,現在正是拯救的日子!
上帝僕人的品格
3 為了避免有人毀謗我們的職分,我們凡事儘量不妨礙別人, 4 反倒在任何事上都顯明自己是上帝的僕人。不論遭遇什麼患難、艱苦、貧窮、 5 鞭打、囚禁、暴亂、辛勞、無眠或饑餓,我們都堅忍到底, 6 靠著純潔、知識、忍耐、仁慈、聖靈的感動、無偽的愛心、 7 真理之道、上帝的大能、左右手中的公義兵器, 8 無論是得榮耀還是受羞辱,遭毀謗還是得稱讚,都顯明自己是上帝的僕人。我們被視為騙子,卻是誠實無偽; 9 似乎默默無聞,卻是家喻戶曉;似乎快死了,看啊!我們卻仍然活著;受嚴刑拷打,卻沒有喪命; 10 似乎鬱鬱寡歡,卻常常喜樂;似乎一貧如洗,卻使多人富足;似乎一無所有,卻樣樣都有!
11 哥林多人啊!我們對你們推心置腹,開誠佈公, 12 毫無保留,只是你們自己心胸太窄。 13 現在請你們也向我們敞開心懷。我這樣說,是把你們當成自己的兒女。
永活上帝的殿
14 不要和非信徒同負一軛,因為公義和不法怎能合作呢?光明和黑暗怎能共存呢? 15 基督與魔鬼[a]怎能相容呢?信徒與非信徒有什麼相干呢? 16 上帝的殿與偶像怎能相提並論呢?因為我們就是永活上帝的殿,正如上帝說:
「我要住在他們中間,
在他們當中往來;
我要作他們的上帝,
他們要作我的子民。」
17 又說:
「所以,你們要從他們中間出來,
離開他們,不要沾染污穢之物,
我就接納你們。
18 我要作你們的父親,
你們要作我的兒女。
這是全能的主說的。」
Footnotes
- 6·15 「魔鬼」希臘文是「彼列」。
2 Corinto 6
Ang Biblia, 2001
6 Yamang gumagawa kaming kasama niya, nananawagan din kami sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan.
2 Sapagkat(A) sinasabi niya,
“Sa panahong kanais-nais ay pinakinggan kita,
    at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.”
Ngayon na ang panahong kanais-nais; ngayon na ang araw ng kaligtasan.
3 Hindi kami naglalagay ng katitisuran ng sinuman, upang walang kapintasang matagpuan sa aming ministeryo.
4 Kundi, bilang mga lingkod ng Diyos, ipinagkakapuri namin ang aming sarili sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng maraming pagtitiis, mga kapighatian, mga kahirapan, mga paghihinagpis,
5 mga(B) pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga paggawa, mga pagpupuyat, mga pagkagutom,
6 sa kalinisan, kaalaman, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabanalan ng espiritu, tunay na pag-ibig,
7 makatotohanang pananalita, kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanang kamay at sa kaliwa,
8 sa pamamagitan ng karangalan at kasiraang-puri, sa pamamagitan ng masamang pagkakilala at ng mabuting pagkakilala. Itinuring kaming mga mandaraya, gayunma'y matatapat,
9 waring mga hindi kilala, gayunma'y kilalang-kilala, tulad sa naghihingalo, at narito, kami ay buháy; gaya ng mga pinarurusahan, subalit hindi pinapatay;
10 tulad sa nalulungkot, gayunma'y laging nagagalak; tulad sa mga dukha, gayunma'y pinayayaman ang marami, gaya ng walang pag-aari, gayunma'y mayroon ng lahat ng bagay.
11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, mga taga-Corinto, ang aming puso ay pinalawak.
12 Kayo ay hindi namin hinihigpitan, subalit kayo ay hinihigpitan ng sarili ninyong damdamin.
13 Bilang ganti, nagsasalita akong tulad sa mga bata; palawakin din ninyo ang inyong mga puso.
Ang Templo ng Diyos na Buháy
14 Huwag kayong makipamatok sa mga hindi mananampalataya, sapagkat anong pagsasama mayroon ang katuwiran at kasamaan? O anong pagsasama mayroon ang liwanag sa kadiliman?
15 At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
16 Anong(C) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo'y[a] templo ng Diyos na buháy; gaya ng sinabi ng Diyos,
“Ako'y mananahan sa kanila, at lalakad sa gitna nila,
    ako'y magiging kanilang Diyos,
    at sila'y magiging aking bayan.
17 Kaya(D) nga lumabas kayo sa kanila,
    at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon,
    at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi,
    at kayo'y aking tatanggapin,
18 at(E) ako'y magiging ama sa inyo,
    at kayo'y magiging aking mga anak na lalaki at babae,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”
Footnotes
- 2 Corinto 6:16 Sa ibang mga manuskrito ay kayo'y .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
