2 Corinto 3:14-16
Magandang Balita Biblia
14 Ngunit naging matigas ang kanilang ulo kaya't hanggang ngayo'y nananatili ang talukbong na iyon habang binabasa nila ang lumang tipan. Maaalis lamang ang talukbong na iyon sa pakikipag-isa kay Cristo. 15 Hanggang ngayon, may talukbong pa ang kanilang isip tuwing binabasa nila ang mga aklat ni Moises. 16 Ngunit(A) kapag lumapit ang tao sa Panginoon, naaalis ang talukbong.
Read full chapter
2 Corinto 3:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Ngunit nakasara ang kanilang mga pag-iisip, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay naroroon pa rin, sapagkat sa pamamagitan lamang ni Cristo ito maaalis. 15 At hanggang ngayon, tuwing binabasa ang Kautusan ni Moises,[a] may talukbong na nakatakip sa kanilang puso. 16 Gayunman, (A) kapag ang isang tao ay lumalapit sa Panginoon, naaalis ang talukbong na iyon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Corinto 3:15 ang Kautusan ni Moises: Sa Griyego, si Moises.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
