2 Corinto 12
Ang Dating Biblia (1905)
12 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon.
2 Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.
3 At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),
4 Na kung paanong siya'y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.
5 Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan.
6 Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.
7 At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis.
8 Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.
9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
10 Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.
11 Ako'y naging mangmang: pinilit ninyo ako; ako sana'y dapat ninyong purihin: sapagka't sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako'y walang kabuluhan.
12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan.
13 Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito.
14 Narito, ito ang ikatlo na ako'y handang pumariyan sa inyo; at ako'y hindi magiging pasanin ninyo: sapagka't hindi ko hinahanap ang inyo, kundi kayo: sapagka't hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak.
15 At ako'y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa. Kung kayo'y iniibig ko ng lalong higit, ako baga'y iniibig ng kaunti?
16 Datapuwa't magkagayon man, ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa pagkatuso ko, kayo'y hinuli ko sa daya.
17 Kayo baga'y aking dinaya sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo?
18 Pinamanhikan ko si Tito, at sinugo kong kasama niya ang kapatid. Kayo baga'y dinaya ni Tito? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang?
19 Iniisip ninyo na sa buong panahong ito'y kami ay nangagdadahilan sa inyo. Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay, mga minamahal, ay sa inyong mga ikatitibay.
20 Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo;
21 Baka pagka ako'y dumating na muli ay ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila.
2 Corinthians 12
New Matthew Bible
Paul is taken up into the third heaven and hears words not to be spoken of.
12 No doubt it is not seemly for me to boast. Nevertheless, I will come to visions and revelations from the Lord. 2 I know a man in Christ about fourteen years ago (whether he was in the body I cannot tell, or whether he was out of the body I cannot tell, God knows) who was taken up into the third heaven. 3 And I know the same man (whether in the body or out of the body I cannot tell, God knows), 4 how he was taken up into Paradise and heard words not to be spoken, which no man can utter. 5 Of this man I will boast. Of myself I will not boast, unless it be of my infirmities. 6 And yet if I chose to boast, I would not be a fool, because I would be speaking the truth. Nevertheless, I refrain, lest anyone should think of me above what he sees me to be, or hears from me.
7 And lest I should be unduly lifted up through the greatness of the revelations, there was given to me unquietness of the flesh, the messenger of Satan to buffet me – because I should not be unduly lifted up. 8 For this thing I besought the Lord three times, to put it from me. 9 And he said to me, My grace is sufficient for you, for my strength is made perfect through weakness. Very gladly therefore will I rest in my weakness, so that the strength of Christ may dwell in me. 10 Therefore I am content in infirmities, in reproach, in need, in persecutions, in anguish, for Christ’s sake. For when I am weak, then I am strong.
11 I am made a fool in going on about myself. You have compelled me. I ought to have been commended by you. For in nothing was I inferior to the chief apostles. Though I am nothing, 12 yet the signs that mark an apostle were wrought among you with all patience – with miracles, and wonders, and works of power. 13 For in what were you less favoured than other congregations? – unless it is in that I was not burdensome to you. Forgive me this wrong done to you! 14 And now the third time I am ready to come to you, and still I will not be a burden to you. For I seek not yours, but you. Also, the children ought not to lay up for the fathers and mothers, but the fathers and mothers for the children. 15 I will very gladly give, and will be given, for your souls – though the more I love you, the less I am loved in return.
16 But granted that I did not impose upon you, nevertheless I was crafty and took you with guile – 17 Did I rob you through any of the men that I sent to you? 18 I asked Titus, and with him I sent a brother. Did Titus defraud you of anything? Did we not walk in the same spirit? Did we not walk in like steps? 19 Again, do you think that we are justifying ourselves to you? We speak in Christ, in the sight of God.
But we do all things, dearly beloveds, for your upbuilding. 20 For I fear lest it come to pass that when I come, I will not find you such as I would like, and you will find me such as I would not want. I fear lest there be found among you debate, envying, anger, rivalry, backbiting, whisperings, swelling, and discord. 21 I fear that when I come again, God may bring me low among you, and I may be constrained to bewail many of those who have sinned already and have not repented of the uncleanness, fornication, and wantonness that they have committed.
Copyright © 2016 by Ruth Magnusson (Davis). Includes emendations to February 2022. All rights reserved.