Add parallel Print Page Options

Paul’s personal request for obedience

10 I, Paul, make a personal request to you with the gentleness and kindness of Christ. I’m shy when I’m with you, but I’m bossy when I’m away from you! I beg you that when I’m with you in person, I won’t have to boss you around. I’m afraid that I may have to use that kind of behavior with those people who think we live by human standards. Although we live in the world, we don’t fight our battles with human methods. Our weapons that we fight with aren’t human, but instead they are powered by God for the destruction of fortresses. They destroy arguments, and every defense that is raised up to oppose the knowledge of God. They capture every thought to make it obedient to Christ. Once your obedience is complete, we are ready to punish any disobedience.

Look at what is right in front of you! If anyone is sure about belonging to Christ, that person should think again. We belong to Christ just like that person. Even if I went on to brag about our authority, I wouldn’t be ashamed of it. The Lord gave us that authority to build you up and not to destroy you.

I don’t want it to seem like I’m trying to intimidate you with my letters. 10 I know what some people are saying: “His letters are severe and powerful, but in person he is weak and his speech is worth nothing.” 11 These people need to think about this—that when we are with you, our actions will show that we are the same as the words we wrote when we were away from you. 12 We won’t dare to place ourselves in the same league or to compare ourselves with some of those who are promoting themselves. When they measure themselves by themselves, and compare themselves with themselves, they have no understanding.

13 We won’t take pride in anything more than what is appropriate. Let’s look at the boundaries of our work area that God has assigned to us. It’s an area that includes you. 14 We aren’t going out of bounds, as if our work area doesn’t extend as far as you. We were the first ones to travel as far as Corinth with the gospel of Christ. 15 We don’t take pride in what other people do outside of our boundaries. We hope that our work will be extended even more by you as your faith grows, until it expands fully (within the boundaries, of course). 16 We hope that our work grows even to the point of the gospel being preached in places beyond Corinth, without bragging about what has already been done in another person’s work area. 17 But, the one who brags should brag in the Lord.[a] 18 It isn’t the person who promotes himself or herself who is approved but the person whom the Lord commends.

Ipinagtanggol ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod

10 Ako mismong si Pablo, ay nakikiusap sa inyo, sa ngalan ng kababaang-loob at kahinahunan ni Cristo—akong sinasabing mapagpakumbaba kapag kaharap ninyo, ngunit matapang kapag wala sa harap ninyo! Hinihiling ko na kapag ako'y nariyan na sa inyo, hindi ko na kailangang maging matapang gaya ng alam kong kaya kong gawin laban sa ibang taong nag-aakalang kami ay lumalakad ayon sa pamantayan ng tao. Sapagkat bagaman kami ay nabubuhay pa sa katawang tao, ang pakikipaglaban namin ay hindi ayon sa pamantayan ng tao. Sapagkat hindi galing sa tao ang mga sandatang ginagamit namin sa pakikipaglaban, kundi galing sa Diyos, na may kapangyarihang magwasak kahit ng mga kuta. Ibinabagsak namin ang mga pangangatwiran at anumang kapalaluan na nagmamataas laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag namin ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo. At kapag ganap na ang inyong pagsunod, nakahanda na rin kaming magparusa sa bawat pagsuway.

Ang panlabas na anyo lamang ang tinitingnan ninyo. Kung ang sinuman ay nagtitiwala na siya'y kay Cristo, isipin niyang muli na kung siya'y kay Cristo ay gayundin naman kami. Sapagkat kung labis ko mang ipinagmamalaki ang kapangyarihang ibinigay sa amin ng Panginoon para sa inyong ikatitibay at hindi para sa inyong ikawawasak, hindi ko iyon ikahihiya. Ayaw kong lumabas na tinatakot ko kayo sa pamamagitan ng mga sulat ko. 10 Sapagkat may nagsasabi, “Mabibigat at matitindi ang kanyang mga sulat, ngunit mahina naman siya kapag kaharap, at walang kuwenta ang sinasabi.” 11 Dapat isipin ng ganoong tao na kung ano kami sa aming mga sulat kapag kami'y wala riyan, ganoon din kami sa gawa kapag kami ay nariyan.

12 Wala kaming lakas ng loob na isama o ihambing ang aming sarili sa mga taong napakataas ng tingin sa kanilang sarili. Ngunit kung sinusukat nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang sarili, at sa kani-kanila ring sarili inihahambing ang mga sarili, sila ay salat sa pang-unawa. 13 Ngunit hindi kami magmamalaki ng lampas sa saklaw, kundi sa loob lamang ng sukat ng pamantayang ibinahagi ng Diyos sa amin, at kayo ay saklaw niyon. 14 Sapagkat hindi namin inilalampas ang aming mga sarili, na para bang hindi namin kayo naabot. Kami nga ang unang dumating sa inyo dala ang ebanghelyo ni Cristo. 15 Hindi kami lumalampas sa sukat sa pamamagitan ng pagmamalaki namin sa pinagpaguran ng iba. Umaasa kami na habang lumalago ang inyong pananampalataya, ang nasasaklaw namin sa inyo ay lalong lalawak, 16 upang maipahayag namin ang Magandang Balita sa mga lupaing lampas pa sa inyo, sa gayo'y hindi namin ipagmamalaki ang gawaing natapos na sa nasasakupan ng iba. 17 Ngunit, “Siyang (A) nagmamalaki ay Panginoon ang ipagmalaki.” 18 Sapagkat hindi ang taong pumupuri sa kanyang sarili ang kapuri-puri, kundi ang taong pinupuri ng Panginoon.