1 Timoteo 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pag-asa.
2 Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya:
Sumaiyo ang kagandahang-loob, habag, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
Mga Babala Laban sa Maling Doktrina
3 Gaya ng tagubilin ko sa iyo noong ako'y papunta ng Macedonia, ibig kong manatili ka sa Efeso upang pagsabihan mo ang ilang tao na huwag magturo ng maling aral, 4 at huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Nagiging dahilan lamang ang mga iyan ng mga pagtatalo at hindi nakatutulong kaninuman na magawa ang plano ng Diyos, na magagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. 5 Layunin ng tagubiling ito ay pag-ibig na nagmumula sa isang pusong dalisay, malinis na budhi at taos-pusong pananampalataya. 6 Tinalikuran na ng ilan ang mga bagay na ito at bumaling sa mga usaping walang-saysay. 7 Nais nilang maging mga tagapagturo ng Kautusan kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang ipinapangaral.
8 Alam nating mabuti ang Kautusan kung gagamitin ito sa tamang paraan. 9 Alalahanin nating hindi ginawa ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga sumusuway sa batas, sa mapanghimagsik, sa mga hindi maka-Diyos at sa mga makasalanan; para ito sa mga masasama at lapastangan; para sa mga pumapatay ng ama o ina, sa mga mamamatay-tao. 10 Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga imoral, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, para sa mga sapilitang kumukuha ng tao upang ibenta bilang alipin; para sa mga sinungaling at bulaang saksi. Ang Kautusan ay para sa lahat na sumasalungat sa mabuting aral 11 na naaayon sa maluwalhating ebanghelyo ng mapagpalang Diyos. Ito ang balitang ipinagkatiwala sa akin.
Pasasalamat sa Kagandahang-loob ng Diyos
12 Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Cristo Jesus na nagbigay sa akin ng lakas para dito, sapagkat itinuring niya akong karapat-dapat at hinirang na maglingkod sa kanya. 13 Bagama't ako noon ay lapastangan, nang-uusig, at marahas na tao, kinahabagan niya ako sapagkat nagawa ko ang mga bagay na iyon dahil sa aking kamangmangan nang hindi pa ako sumasampalataya. 14 Sumagana sa akin ang kagandahang-loob ng Panginoon, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus. 15 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat: Dumating si Cristo Jesus sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamasama sa lahat. 16 Ngunit ito mismo ang dahilan kung bakit niya ako kinahabagan, upang sa pamamagitan ko na pinakamasama ay maipakita ni Cristo Jesus kung gaano siya katiyaga at maging halimbawa ito sa mga sasampalataya at bibigyan ng walang-hanggang buhay. 17 Ngayon, sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan at di nakikita, ang iisang Diyos, sumakanya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.
18 Timoteo, anak ko, itinatagubilin ko sa iyo ang mga bagay na ito ayon sa mga propesiya noon ukol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay masigla kang makipaglaban gaya ng mabuting kawal, 19 tumitibay sa pananampalataya at nagtataglay ng malinis na budhi. Tinalikuran ito ng iba, kaya naman natulad sa isang barkong nawasak ang kanilang pananampalataya. 20 Kasama sa mga ito ay sina Himeneo at Alejandro na mga ipinaubaya ko na kay Satanas upang sila ay maturuang huwag nang lumapastangan.
1 Timothy 1
Lexham English Bible
Greeting
1 Paul, an apostle of Christ Jesus according to the command of God our Savior and of Christ Jesus our hope, 2 to Timothy, my true child in the faith. Grace, mercy, and peace from God the Father and Christ Jesus our Lord.
Instructions for Timothy in Ephesus
3 Just as I urged you when I[a] traveled to Macedonia, remain in Ephesus, so that you may instruct certain people not to teach other doctrine, 4 and not to pay attention to myths and endless genealogies, which cause useless speculations rather than God’s plan that is by faith. 5 But the goal of our instruction is love from a pure heart and a good conscience and a faith without hypocrisy, 6 from which some have deviated, and have turned away into fruitless discussion, 7 wanting to be teachers of the law, although they[b] do not understand either the things which they are saying or the things concerning which they are speaking confidently.
8 But we know that the law is good, if anyone makes use of it lawfully, 9 knowing this, that the law is not given for a righteous person but for the lawless and rebellious, for the ungodly and sinners, for the unholy and totally worldly, for the one who kills his father and the one who kills his mother, for murderers, 10 sexually immoral people, homosexuals, kidnappers, liars, perjurers, and whatever[c] else is opposed to sound teaching, 11 according to the glorious gospel of the blessed God that I was entrusted with.
Paul’s Thankfulness for the Mercy Shown to Him
12 I give thanks[d] to the one who strengthens me, Christ Jesus our Lord, because he considered me faithful, placing me into ministry,[e] 13 although I[f] was formerly a blasphemer and a persecutor and a violent man, but I was shown mercy because I acted ignorantly in unbelief, 14 and the grace of our Lord abounded with the faith and love that are in Christ Jesus. 15 The saying is trustworthy and worthy of all acceptance: Christ Jesus came into the world to save sinners, of whom I am the foremost. 16 But because of this I was shown mercy, in order that in me foremost, Christ Jesus might demonstrate his total patience, for an example for those who are going to believe in him for eternal life. 17 Now to the King of the ages, immortal, invisible, to the only God, be honor and glory forever and ever[g]. Amen.
Paul’s Charge to Timothy
18 I am setting before you this instruction, Timothy my child, in accordance with the prophecies spoken long ago about you, in order that by them you may fight the good fight, 19 having faith and a good conscience, which some, because they[h] have rejected these, have suffered shipwreck concerning their faith, 20 among whom are Hymenaeus and Alexander, whom I have handed over to Satan, in order that they may be taught not to blaspheme.
Footnotes
- 1 Timothy 1:3 Here “when” is supplied as a component of the participle (“traveled”) which is understood as temporal
- 1 Timothy 1:7 Here “although” is supplied as a component of the participle (“understand”) which is understood as concessive
- 1 Timothy 1:10 Literally “if anything”
- 1 Timothy 1:12 Literally “I have thankfulness”
- 1 Timothy 1:12 Or “service”
- 1 Timothy 1:13 Here “although” is supplied as a component of the participle (“was”) which is understood as concessive
- 1 Timothy 1:17 Literally “to the ages of the ages”
- 1 Timothy 1:19 Here “because” is supplied as a component of the participle (“have rejected”) which is understood as causal
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
2012 by Logos Bible Software. Lexham is a registered trademark of Logos Bible Software
