1 Timoteo 3:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Ang tagapangasiwa ay dapat na walang maipupula, iisa lang ang asawa, mapagpigil, ginagamit nang maayos ang pag-iisip, may magandang asal, bukas ang tahanan sa mga panauhin at makakapagturo. 3 Siya ay hindi dapat na manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan, subalit mahinahon at mapayapa at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat na pinamamahalaan niya nang mabuti ang kaniyang sariling tahanan, na ang kaniyang mga anak ay nagpapasakop na may karapat-dapat na ugali.
Read full chapter
1 Timoteo 3:2-4
Ang Biblia (1978)
2 (A)Dapat nga na ang (B)obispo ay (C)walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, (D)mapagpatuloy, (E)sapat na makapagturo;
3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
4 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, (F)na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong (G)kahusayan;
Read full chapter
1 Timothy 3:2-4
New International Version
2 Now the overseer is to be above reproach,(A) faithful to his wife,(B) temperate,(C) self-controlled, respectable, hospitable,(D) able to teach,(E) 3 not given to drunkenness,(F) not violent but gentle, not quarrelsome,(G) not a lover of money.(H) 4 He must manage his own family well and see that his children obey him, and he must do so in a manner worthy of full[a] respect.(I)
Footnotes
- 1 Timothy 3:4 Or him with proper
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

