1 Timoteo 1:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At totoong sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
Read full chapter
1 Timoteo 1:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Sumagana sa akin ang kagandahang-loob ng Panginoon, kasama ang pananampalataya at pag-ibig na nakay Cristo Jesus. 15 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat: Dumating si Cristo Jesus sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamasama sa lahat. 16 Ngunit ito mismo ang dahilan kung bakit niya ako kinahabagan, upang sa pamamagitan ko na pinakamasama ay maipakita ni Cristo Jesus kung gaano siya katiyaga at maging halimbawa ito sa mga sasampalataya at bibigyan ng walang-hanggang buhay.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
