Add parallel Print Page Options

Ang Gawain ni Pablo sa Tesalonica

Alam ninyong lahat mga kapatid na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong pinahirapan kami at hinamak sa Filipos, ngunit ang Diyos ang nagbigay ng lakas ng loob sa amin na ipahayag sa inyo ang kanyang ebanghelyo sa kabila ng maraming pagtutol. Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi nagmumula sa masamang layunin at hangad na manlinlang o kaya nama'y nais namin kayong dalhin sa kamalian. Dahil minarapat ng Diyos na sa amin ay ipagkatiwala ang ebanghelyo, nangangaral kami hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakasisiyasat ng aming puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri sa aming pangangaral, o ginamit ang aming pangangaral bilang balatkayo ng anumang sakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri ng sinumang tao, kahit mula sa inyo, bagaman bilang mga apostol ni Cristo ay may katwiran kaming humingi ng tulong sa inyo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang anak. Dahil sa laki ng aming pananabik sa inyo, buong kagalakang ibinahagi namin sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay, dahil napamahal na kayo sa amin. Tiyak na naaalala pa ninyo, mga kapatid, ang mga pagod at hirap namin; kung paano kami nagsikap araw at gabi upang hindi kami maging pasanin ninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos. 10 Kayo at ang Diyos ang aming saksi kung paano naging dalisay, matuwid, at walang-kapintasan ang aming pakikitungo sa inyong mga mananampalataya. 11 Alam ninyo kung paano kami naging tulad ng isang ama sa bawat isa sa inyo. 12 Pinayuhan namin kayo, pinalakas ang inyong loob at hinikayat na mamuhay na karapat-dapat sa Diyos na tumatawag sa inyong makibahagi sa kanyang paghahari at luwalhati.

13 Patuloy din ang aming pagpapasalamat sa Diyos sapagkat nang ipinangaral namin sa inyo ang salita, tinanggap ninyo ito hindi bilang mula sa tao kundi bilang salita ng Diyos na nagbubunga sa inyong mga sumasampalataya. 14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang halimbawa ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nakay Cristo Jesus. Dumanas din kayo ng hirap mula sa kamay ng sarili ninyong mga kababayan, gaya rin ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15 Sila ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta; sila rin ang nagpalayas sa amin. Hindi sila kalugud-lugod sa Diyos, gayundin sa lahat ng tao! 16 Pilit silang humahadlang sa aming pangangaral sa mga Hentil upang maligtas ang mga ito. Sukdulan na ang kanilang kasamaan kaya naman bumagsak na sa kanila ang poot ng Diyos.

Ang Pagnanais ni Pablo na Dalawin ang Iglesya

17 Mga kapatid, sa maikling panahon na tayo'y nagkahiwalay—sa katawan ngunit hindi sa damdamin—lalo kaming nasasabik na magkasama tayong muli. 18 Talagang gusto naming bumalik sa inyo—lalung-lalo na ako—ngunit hinadlangan kami ni Satanas. 19 Sino ba ang aming pag-asa, kaligayahan, o koronang maipagmamalaki namin sa harap ng ating Panginoong Jesus sa kanyang pagdating? Hindi ba kayo? 20 Oo, kayo ang aming karangalan at kaligayahan.

Kaya nga nalalaman ninyo rin, (A)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:

Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (B)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (C)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.

Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (D)karumihan, ni sa pagdaraya.

Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (E)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.

Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (F)kasakiman, saksi ang Dios;

Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (G)kami ng kapamahalaan (H)gaya ng mga apostol ni Cristo.

Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:

Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (I)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.

Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (J)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.

10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:

11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (K)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,

12 Upang kayo'y (L)magsilakad ng nararapat sa Dios, (M)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.

13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (N)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (O)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.

14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad (P)sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: (Q)sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, (R)gaya naman nila sa mga Judio;

15 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din (S)sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;

16 Na pinagbabawalan kaming makipagusap (T)sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang (U)kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.

17 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, (V)sa katawan hindi sa puso, ay (W)nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:

18 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.

19 Sapagka't (X)ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, (Y)na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo (Z)sa kaniyang pagparito?

20 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.

Paul’s Ministry in Thessalonica

You know, brothers and sisters, that our visit to you(A) was not without results.(B) We had previously suffered(C) and been treated outrageously in Philippi,(D) as you know, but with the help of our God we dared to tell you his gospel in the face of strong opposition.(E) For the appeal we make does not spring from error or impure motives,(F) nor are we trying to trick you.(G) On the contrary, we speak as those approved by God to be entrusted with the gospel.(H) We are not trying to please people(I) but God, who tests our hearts.(J) You know we never used flattery, nor did we put on a mask to cover up greed(K)—God is our witness.(L) We were not looking for praise from people,(M) not from you or anyone else, even though as apostles(N) of Christ we could have asserted our authority.(O) Instead, we were like young children[a] among you.

Just as a nursing mother cares for her children,(P) so we cared for you. Because we loved you so much, we were delighted to share with you not only the gospel of God(Q) but our lives as well.(R) Surely you remember, brothers and sisters, our toil and hardship; we worked(S) night and day in order not to be a burden to anyone(T) while we preached the gospel of God to you. 10 You are witnesses,(U) and so is God,(V) of how holy,(W) righteous and blameless we were among you who believed. 11 For you know that we dealt with each of you as a father deals with his own children,(X) 12 encouraging, comforting and urging you to live lives worthy(Y) of God, who calls(Z) you into his kingdom and glory.

13 And we also thank God continually(AA) because, when you received the word of God,(AB) which you heard from us, you accepted it not as a human word, but as it actually is, the word of God, which is indeed at work in you who believe. 14 For you, brothers and sisters, became imitators(AC) of God’s churches in Judea,(AD) which are in Christ Jesus: You suffered from your own people(AE) the same things those churches suffered from the Jews 15 who killed the Lord Jesus(AF) and the prophets(AG) and also drove us out. They displease God and are hostile to everyone 16 in their effort to keep us from speaking to the Gentiles(AH) so that they may be saved. In this way they always heap up their sins to the limit.(AI) The wrath of God has come upon them at last.[b]

Paul’s Longing to See the Thessalonians

17 But, brothers and sisters, when we were orphaned by being separated from you for a short time (in person, not in thought),(AJ) out of our intense longing we made every effort to see you.(AK) 18 For we wanted to come to you—certainly I, Paul, did, again and again—but Satan(AL) blocked our way.(AM) 19 For what is our hope, our joy, or the crown(AN) in which we will glory(AO) in the presence of our Lord Jesus when he comes?(AP) Is it not you? 20 Indeed, you are our glory(AQ) and joy.

Footnotes

  1. 1 Thessalonians 2:7 Some manuscripts were gentle
  2. 1 Thessalonians 2:16 Or them fully