Add parallel Print Page Options

sapagkat hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay nabalita rin sa lahat ng dako, kaya't hindi na kailangang magsalita pa kami tungkol dito. Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos, 10 at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.

Read full chapter

Hindi lamang ang Salita ng Diyos ang lumaganap sa mga lugar na iyon sa pamamagitan ninyo. Pati ang inyong pananampalataya'y nakilala na rin sa lahat ng dako, kaya't kami ay hindi na kailangang magsalita pa ng anuman. Sila na mismo ang nagbalita kung paano ninyo kami tinanggap at kung paano ninyo tinalikdan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos, 10 hintayin ang pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit, si Jesus na kanyang muling binuhay mula sa mga patay, ang ating tagapagligtas mula sa poot na darating.

Read full chapter