Font Size
1 Samuel 19:18-20
Magandang Balita Biblia
1 Samuel 19:18-20
Magandang Balita Biblia
18 Tumakas nga si David at nagpunta kay Samuel sa Rama. Sinabi niya rito ang lahat ng ginawa sa kanya ni Saul. Sumama siyang umuwi kay Samuel sa Nayot at doon nanirahan. 19 May nagsabi kay Saul, “Si David ay nasa Nayot sa Rama.” 20 Muling nagsugo ito ng mga tauhan upang hulihin si David. Ngunit nang makita ng mga sugo ni Saul ang mga propetang nagsisigawan at nagsasayawan sa pangunguna ni Samuel, nilukuban din sila ng Espiritu[a] ng Diyos at sila'y nagsipagsigawan at nagsipagsayawan na tulad din ng mga propeta.
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 19:20 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
