Add parallel Print Page Options

Ang Tagumpay ni Jonatan sa Micmas

14 Isang araw, lingid sa kaalaman ng kanyang ama, sinabi ni Jonatan sa tagadala niya ng mga sandata, “Sumama ka sa akin at liligid tayo sa kabila ng kampo ng mga Filisteo.” Si Saul noon ay nasa labas ng Gibea, sa ilalim ng isang puno ng granada sa Micron, kasama ang may animnaraang tauhan. Naroon din ang paring si Ahias na anak ni Ahitob, kapatid ni Icabod at apo ni Finehas na anak naman ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo. Dala ni Ahias ang efod. Walang nakaalam sa lakad nina Jonatan.

Ang magkabila ng daanang binabantayan ng mga Filisteo ay mataas na bato; Bozez ang tawag sa isang panig, at Sene naman ang kabila. Ang isa ay nasa gawing hilaga, sa tapat ng Micmas at ang isa nama'y nasa timog, sa tapat ng Gibea.

Sinabi ni Jonatan sa tagadala niya ng mga sandata, “Pumunta tayo sa kampo ng mga Filisteong ito. Natitiyak kong tutulungan tayo ni Yahweh at walang makakahadlang sa kanya. Pagtatagumpayin niya ang Israel sa pamamagitan ng marami o ng kakaunting tao.”

Sumagot ang tagadala niya ng sandata, “Kayo po ang masusunod; kasama ninyo ako anuman ang mangyari.”

“Mabuti kung gayon,” sabi ni Jonatan. “Tatawid tayo at magpapakita sa kanila. Kapag sinabi nilang hintayin natin sila, hindi tayo tutuloy ng paglapit sa kanila. 10 Pero kapag sinabi nilang lumapit tayo, lalapit tayo sa kanila sapagkat iyon ang palatandaang sila'y ibinigay sa atin ni Yahweh.”

11 At lumakad na silang dalawa. Nang matanaw sila ng mga Filisteo, sinabi ng mga ito, “Hayun, naglalabasan na sa lungga ang mga Hebreo.” 12 At hiniyawan nila sina Jonatan, “Halikayo rito at may sasabihin kami sa inyo.”

Sinabi ni Jonatan sa tagadala niya ng sandata, “Sumunod ka sa akin. Niloob ni Yahweh na sila'y mahulog sa kamay ng Israel.” 13 Nagmamadali siyang umakyat sa matarik na bato, at sinalakay ang mga Filisteo. Bumabagsak ang bawat makaharap niya at ang mga ito'y pinapatay naman ng tagadala niya ng sandata. 14 Dalawampu ang napatay nila sa pagsalakay na iyon sa may kalahating ektaryang pinaglabanan nila. 15 Nasindak ang mga Filisteo, maging ang mga nasa lansangan, gayundin ang mga nasa kampo. Nayanig ang lupa at hindi nila malaman ang gagawin.

Natalo ang mga Filisteo

16 Nakita ng mga kawal ni Saul sa Gibea ang pagkakagulo ng mga Filisteo. 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga kasama, “Tingnan nga ninyo kung sino ang wala sa atin.” Tiningnan nila at natuklasan nilang wala si Jonatan at ang tagadala nito ng sandata.

18 At sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin mo rito ang efod.” Si Ahias nga ang may dala ng efod noon. 19 Samantalang kinakausap ni Saul ang pari, palubha naman nang palubha ang kaguluhan ng mga Filisteo, kaya sinabi ni Saul sa pari, “Huwag mo nang ituloy ang pagsangguni sa Diyos.” 20 Sinalakay ni Saul at ng kanyang mga tauhan ang mga Filisteo na dinatnan nilang nagkakagulo, sila-sila'y nagtatagaan. 21 Ang mga Hebreo namang kasama ng mga Filisteo ay pumanig na sa mga Israelita. 22 Pati ang mga Israelitang nagtatago sa kabundukan ng Efraim ay sumama na rin sa pagsalakay sa mga Filisteo. 23 Ang labanan ay umabot sa kabila ng Beth-aven at nang araw na iyon, iniligtas ni Yahweh ang Israel.

Ang Sumpa ni Saul

24 Ang mga Israelita ay nanghihina na sa gutom nang araw na iyon. Ngunit walang mangahas kumain sapagkat mahigpit na ipinagbawal ni Saul ang tumikim ng pagkain bago lumubog ang araw hanggang hindi nila nalilipol ang mga kaaway. 25 Nakarating sila sa isang kagubatan na sagana sa pulot. 26 Pagpasok nila rito, nakita nilang umaagos ang pulot ngunit ni hindi sila tumikim dahil natatakot sila sa sumpa ni Saul. 27 Palibhasa'y hindi alam ni Jonatan ang tungkol sa sumpa ng kanyang ama, itinubog niya sa pulot ang kanyang tungkod, at sinipsip ito. At nagliwanag ang kanyang paninging nanlabo na dahil sa gutom at pagod. 28 Sinabi sa kanya ng isa sa mga Israelita, “Mahigpit pong ipinagbabawal ng iyong ama ang tumikim ng pagkain sa araw na ito. Kaya latang-lata na ang mga tao.”

29 Sinabi ni Jonatan, “Bakit pinahihirapan ng aking ama ang mga tao? Heto at nagliwanag ang aking paningin nang tumikim ako ng pulot. 30 Gaano pa kaya kung ang mga tao'y pababayaang kumain ng mga pagkaing nasamsam nila. Lalo sanang madadali ang paglipol sa mga Filisteo.”

31 Nang araw na iyon, ang mga Filisteo'y nalupig ng mga Israelita mula sa Micmas hanggang Ahilon, ngunit lambot na lambot na sila sa gutom. 32 Kaya, nagmamadali silang humuli ng mga hayop ng mga Filisteo. Nagpatay sila ng mga tupa, baka at mga guya. Dahil sa gutom, kinain ang mga ito nang hindi na nakuhang alisan ng dugo. 33 May(A) nagsumbong kay Saul na ang hukbo'y gumagawa ng malaking kasalanan kay Yahweh; kumakain sila ng karneng may dugo.

Kaya't sinabi ni Saul, “Ito'y isang malaking kataksilan! Igulong ninyo rito ang isang malaking bato, ngayon din. 34 Sabihin ninyo sa mga tao na magdala rito ng baka o tupa at dito nila papatayin at kakanin para hindi sila magkasala kay Yahweh dahil sa pagkain ng dugo.” Kinagabihan, ang mga Israelita'y nagdala ng mga baka at doon pinatay. 35 Si Saul nama'y nagtayo ng altar para kay Yahweh; ito ang unang altar na kanyang ginawa.

36 Sinabi ni Saul sa kanyang mga tauhan, “Mamayang gabi, lulusubin natin ang mga Filisteo at lilipulin natin sila hanggang sa mag-umaga; wala tayong ititirang buháy sa kanila.”

Sumagot sila, “Kayo po ang masusunod.”

Ngunit sinabi ng pari, “Sumangguni muna tayo sa Diyos.”

37 Sumangguni nga si Saul sa Diyos, “Lulusubin na po ba namin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin po ba ninyo kami?” Ngunit hindi siya sinagot ng Diyos. 38 Kaya't sinabi niya, “Magsama-sama ang lahat ng pinuno ng Israel para malaman natin kung sino ang nagkasala. 39 Sinuman siya ay tiyak na papatayin kahit na ang anak kong si Jonatan. Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy[a] at tagapagligtas ng Israel.” Walang umimik isa man sa mga Israelita. 40 Sinabi ni Saul, “Magsama-sama kayo sa isang panig at kami naman ni Jonatan sa kabila.”

Sumagot ang mga tao, “Kayo po ang masusunod.”

41 Pagkatapos,(B) tumingala si Saul at sinabi, “Yahweh, Diyos ng Israel, bakit hindi kayo sumagot ngayon sa inyong lingkod? Kung ang nagkasala'y alinman sa amin ni Jonatan, ipabunot ninyo sa amin ang Urim. Ngunit kung ang mga tao ang nagkasala, ipabunot ninyo ang Tumim.” Nang gawin ang palabunutan, lumitaw na ang nagkasala'y ang panig nina Saul at Jonatan; walang dapat panagutan ang mga tao. 42 Sinabi ni Saul, “Gagawin ngayon ang palabunutan para malaman kung sino sa amin ni Jonatan ang nagkasala.” At si Jonatan ang lumitaw na may kasalanan. 43 Dahil dito, tinanong ni Saul si Jonatan, “Magsabi ka ng totoo, ano ang ginawa mo?”

Sumagot siya, “Itinubog ko ang aking tungkod sa pulot at ito'y aking tinikman. Kung kailangan akong patayin dahil doon, nakahanda po akong mamatay.”

44 Sinabi ni Saul, “Gawin ng Diyos ang nararapat sa iyo at sa akin; mamamatay ka, Jonatan.”

45 Sumagot ang mga tao, “Papatayin ba si Jonatan na nanguna sa pagtatagumpay ng Israel? Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[b] isa mang buhok niya'y hindi malalaglag sapagkat siya ang kinasangkapan ngayon ng Diyos upang magtagumpay ang Israel.” Hindi nga pinatay si Jonatan sapagkat iniligtas siya ng mga Israelita.

46 Tinigilan na ni Saul ang paghabol sa mga Filisteo; ang mga ito nama'y bumalik na sa kanilang teritoryo.

Ang Paghahari ni Saul at ang Kanyang Pamilya

47 Sa panahon ng paghahari ni Saul sa Israel, nakalaban niya ang lahat niyang mga kaaway sa magkabi-kabilang panig. Ito'y ang mga Moabita, Ammonita, Edomita, Sobita at mga Filisteo. Nagtatagumpay siya saanman siya mapalaban. 48 Lalong kinilala ang kanyang kapangyarihan nang talunin niya ang mga Amalekita, at patuloy na ipagtanggol ang Israel laban sa mga nagtatangkang sumakop dito.

49 Ito ang mga anak ni Saul: ang tatlong lalaki ay sina Jonatan, Isui at Melquisua; ang mga babae nama'y sina Merab at Mical. 50 Ang asawa ni Saul ay si Ahinoam na anak ni Ahimaaz. Ang pinuno ng kanyang hukbo ay si Abner na anak ng tiyo niyang si Ner 51 na kapatid ng ama niyang si Kish at anak naman ni Abiel.

52 Sa buong panahon ng paghahari ni Saul, naging mahigpitan ang labanan nila ng mga Filisteo. Kaya lahat ng lalaking makita niyang matapang at malakas ay isinasama niya sa kanyang hukbo.

Footnotes

  1. 1 Samuel 14:39 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
  2. 1 Samuel 14:45 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .

14 One day Jonathan son of Saul said to his young armor-bearer, “Come, let’s go over to the Philistine outpost on the other side.” But he did not tell his father.

Saul was staying(A) on the outskirts of Gibeah(B) under a pomegranate tree(C) in Migron.(D) With him were about six hundred men, among whom was Ahijah, who was wearing an ephod. He was a son of Ichabod’s(E) brother Ahitub(F) son of Phinehas, the son of Eli,(G) the Lord’s priest in Shiloh.(H) No one was aware that Jonathan had left.

On each side of the pass(I) that Jonathan intended to cross to reach the Philistine outpost was a cliff; one was called Bozez and the other Seneh. One cliff stood to the north toward Mikmash, the other to the south toward Geba.(J)

Jonathan said to his young armor-bearer, “Come, let’s go over to the outpost of those uncircumcised(K) men. Perhaps the Lord will act in our behalf. Nothing(L) can hinder the Lord from saving, whether by many(M) or by few.(N)

“Do all that you have in mind,” his armor-bearer said. “Go ahead; I am with you heart and soul.”

Jonathan said, “Come on, then; we will cross over toward them and let them see us. If they say to us, ‘Wait there until we come to you,’ we will stay where we are and not go up to them. 10 But if they say, ‘Come up to us,’ we will climb up, because that will be our sign(O) that the Lord has given them into our hands.(P)

11 So both of them showed themselves to the Philistine outpost. “Look!” said the Philistines. “The Hebrews(Q) are crawling out of the holes they were hiding(R) in.” 12 The men of the outpost shouted to Jonathan and his armor-bearer, “Come up to us and we’ll teach you a lesson.(S)

So Jonathan said to his armor-bearer, “Climb up after me; the Lord has given them into the hand(T) of Israel.”

13 Jonathan climbed up, using his hands and feet, with his armor-bearer right behind him. The Philistines fell before Jonathan, and his armor-bearer followed and killed behind him. 14 In that first attack Jonathan and his armor-bearer killed some twenty men in an area of about half an acre.

Israel Routs the Philistines

15 Then panic(U) struck the whole army—those in the camp and field, and those in the outposts and raiding(V) parties—and the ground shook. It was a panic sent by God.[a]

16 Saul’s lookouts(W) at Gibeah in Benjamin saw the army melting away in all directions. 17 Then Saul said to the men who were with him, “Muster the forces and see who has left us.” When they did, it was Jonathan and his armor-bearer who were not there.

18 Saul said to Ahijah, “Bring(X) the ark(Y) of God.” (At that time it was with the Israelites.)[b] 19 While Saul was talking to the priest, the tumult in the Philistine camp increased more and more. So Saul said to the priest,(Z) “Withdraw your hand.”

20 Then Saul and all his men assembled and went to the battle. They found the Philistines in total confusion, striking(AA) each other with their swords. 21 Those Hebrews who had previously been with the Philistines and had gone up with them to their camp went(AB) over to the Israelites who were with Saul and Jonathan. 22 When all the Israelites who had hidden(AC) in the hill country of Ephraim heard that the Philistines were on the run, they joined the battle in hot pursuit. 23 So on that day the Lord saved(AD) Israel, and the battle moved on beyond Beth Aven.(AE)

Jonathan Eats Honey

24 Now the Israelites were in distress that day, because Saul had bound the people under an oath,(AF) saying, “Cursed be anyone who eats food before evening comes, before I have avenged myself on my enemies!” So none of the troops tasted food.

25 The entire army entered the woods, and there was honey on the ground. 26 When they went into the woods, they saw the honey oozing out; yet no one put his hand to his mouth, because they feared the oath. 27 But Jonathan had not heard that his father had bound the people with the oath, so he reached out the end of the staff that was in his hand and dipped it into the honeycomb.(AG) He raised his hand to his mouth, and his eyes brightened.[c] 28 Then one of the soldiers told him, “Your father bound the army under a strict oath, saying, ‘Cursed be anyone who eats food today!’ That is why the men are faint.”

29 Jonathan said, “My father has made trouble(AH) for the country. See how my eyes brightened when I tasted a little of this honey. 30 How much better it would have been if the men had eaten today some of the plunder they took from their enemies. Would not the slaughter of the Philistines have been even greater?”

31 That day, after the Israelites had struck down the Philistines from Mikmash(AI) to Aijalon,(AJ) they were exhausted. 32 They pounced on the plunder(AK) and, taking sheep, cattle and calves, they butchered them on the ground and ate them, together with the blood.(AL) 33 Then someone said to Saul, “Look, the men are sinning against the Lord by eating meat that has blood(AM) in it.”

“You have broken faith,” he said. “Roll a large stone over here at once.” 34 Then he said, “Go out among the men and tell them, ‘Each of you bring me your cattle and sheep, and slaughter them here and eat them. Do not sin against the Lord by eating meat with blood still(AN) in it.’”

So everyone brought his ox that night and slaughtered it there. 35 Then Saul built an altar(AO) to the Lord; it was the first time he had done this.

36 Saul said, “Let us go down and pursue the Philistines by night and plunder them till dawn, and let us not leave one of them alive.”

“Do whatever seems best to you,” they replied.

But the priest said, “Let us inquire(AP) of God here.”

37 So Saul asked God, “Shall I go down and pursue the Philistines? Will you give them into Israel’s hand?” But God did not answer(AQ) him that day.

38 Saul therefore said, “Come here, all you who are leaders of the army, and let us find out what sin has been committed(AR) today. 39 As surely as the Lord who rescues Israel lives,(AS) even if the guilt lies with my son Jonathan,(AT) he must die.”(AU) But not one of them said a word.

40 Saul then said to all the Israelites, “You stand over there; I and Jonathan my son will stand over here.”

“Do what seems best to you,” they replied.

41 Then Saul prayed to the Lord, the God of Israel, “Why have you not answered your servant today? If the fault is in me or my son Jonathan, respond with Urim, but if the men of Israel are at fault,[d] respond with Thummim.” Jonathan and Saul were taken by lot, and the men were cleared. 42 Saul said, “Cast the lot(AV) between me and Jonathan my son.” And Jonathan was taken.

43 Then Saul said to Jonathan, “Tell me what you have done.”(AW)

So Jonathan told him, “I tasted a little honey(AX) with the end of my staff. And now I must die!”

44 Saul said, “May God deal with me, be it ever so severely,(AY) if you do not die, Jonathan.(AZ)

45 But the men said to Saul, “Should Jonathan die—he who has brought about this great deliverance in Israel? Never! As surely as the Lord lives, not a hair(BA) of his head will fall to the ground, for he did this today with God’s help.” So the men rescued(BB) Jonathan, and he was not put to death.

46 Then Saul stopped pursuing the Philistines, and they withdrew to their own land.

47 After Saul had assumed rule over Israel, he fought against their enemies on every side: Moab,(BC) the Ammonites,(BD) Edom,(BE) the kings[e] of Zobah,(BF) and the Philistines. Wherever he turned, he inflicted punishment on them.[f] 48 He fought valiantly and defeated the Amalekites,(BG) delivering Israel from the hands of those who had plundered them.

Saul’s Family

49 Saul’s sons were Jonathan, Ishvi and Malki-Shua.(BH) The name of his older daughter was Merab, and that of the younger was Michal.(BI) 50 His wife’s name was Ahinoam daughter of Ahimaaz. The name of the commander of Saul’s army was Abner(BJ) son of Ner, and Ner was Saul’s uncle.(BK) 51 Saul’s father Kish(BL) and Abner’s father Ner were sons of Abiel.

52 All the days of Saul there was bitter war with the Philistines, and whenever Saul saw a mighty or brave man, he took(BM) him into his service.

Footnotes

  1. 1 Samuel 14:15 Or a terrible panic
  2. 1 Samuel 14:18 Hebrew; Septuagint “Bring the ephod.” (At that time he wore the ephod before the Israelites.)
  3. 1 Samuel 14:27 Or his strength was renewed; similarly in verse 29
  4. 1 Samuel 14:41 Septuagint; Hebrew does not have “Why … at fault.
  5. 1 Samuel 14:47 Masoretic Text; Dead Sea Scrolls and Septuagint king
  6. 1 Samuel 14:47 Hebrew; Septuagint he was victorious