1 Pedro 3
Magandang Balita Biblia
Katuruan para sa mga Mag-asawa
3 Kayo(A) namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang(B) inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5 Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad(C) ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan.
7 Kayo(D) namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.
Paghihirap Dahil sa Paggawa ng Matuwid
8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos. 10 Ayon(E) sa nasusulat,
“Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan.
Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita
sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.
11 Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama;
at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan,
ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”
13 At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa paggawa ng mabuti? 14 At(F)(G) sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay[a] nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo[b] sa Diyos. Siya'y pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila(H) ang mga espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan; ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
Footnotes
- 1 Pedro 3:18 namatay: Sa ibang manuskrito'y nagdusa .
- 1 Pedro 3:18 kayo: Sa ibang manuskrito'y tayo .
1 Pedro 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tungkol sa Mag-asawa
3 (A) Sa gayunding paraan, kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, upang kung sila'y hindi pa sumusunod sa salita, ay mahihikayat din sila kahit walang salita kapag nakita nila ang inyong magandang asal, 2 at kapag nakita nila ang inyong pamumuhay na malinis at may takot sa Diyos. 3 Ang (B) kagandahan ninyo ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, ang pagandahin ninyo ay ang nakatagong pagkatao, isang hiyas na walang kupas, maamo at mapayapang diwa, bagay na napakahalaga sa paningin ng Diyos. 5 Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babae noong unang panahon. Umasa sila sa Diyos at nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad (C) ni Sarah, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sarah kung tama ang inyong ginagawa at kayo'y hindi nagpapadaig sa takot.
7 (D) Sa gayunding paraan, kayong mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhan nang may paggalang ang inyong asawa, tulad sa mas mahinang kasangkapan. Sila'y inyong kapwa tagapagmana sa kaloob na walang hanggang buhay. Gawin ninyo ito at walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.
Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti
8 Bilang pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging mahabagin at maging mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang gawang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo, at kayo'y tatanggap ng pagpapala. 10 Sapagkat, (E) sa nasusulat,
“Sinumang nagpapahalaga sa buhay,
at nais makakita ng mabubuting araw,
dila'y pigilin sa pagsasabi ng kasamaan.
at sa kanyang labi'y dapat walang panlilinlang,
11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y kanyang sundan.
12 Ang mata ng Panginoo'y nakatuon sa mga matuwid,
at ang kanilang panalangin ay kanyang dinirinig.
Ngunit sa mga taong gumagawa ng masama.
Panginoo'y nagagalit at hindi natutuwa.”
13 At sino naman ang gagawa ng masama sa inyo kung nagsisikap kayong gumawa ng mabuti? 14 Subalit (F) magdusa man kayo dahil sa paggawa ng mabuti, pinagpala kayo. Huwag kayong matakot at huwag kayong mag-alala sa maaari nilang gawin sa inyo. 15 (G) Sa inyong mga puso ay italaga ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magtanggol sa harap ng sinumang humihingi sa inyo ng paliwanag tungkol sa pag-asang taglay ninyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at magalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang sinumang humahamak sa inyong magandang asal bunga ng inyong pakikipag-isa kay Cristo. 17 Sapagkat mabuti pang magdusa sa paggawa ng mabuti, kung ito'y kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo ay minsan lamang namatay dahil sa mga kasalanan, siya na walang kasalanan para sa mga makasalanan upang maiharap kayo[a] sa Diyos. Namatay siya ayon sa laman, ngunit muling binuhay ayon sa espiritu. 19 Sa ganitong kalagayan, nagtungo siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo, 20 mga (H) espiritung sumuway noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang barko. Iilang tao, walo lamang noon ang nakaligtas sa pamamagitan ng tubig. 21 Ang tubig na iyon ang inilalarawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi ito paglilinis ng dungis ng katawan kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo. 22 Siya'y umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Ang mga anghel, mga kapamahalaan at mga kapangyarihan ay nagpapasakop sa kanya.
Footnotes
- 1 Pedro 3:18 Sa ibang manuskrito tayo.
1 Peter 3
New International Version
3 Wives, in the same way submit yourselves(A) to your own husbands(B) so that, if any of them do not believe the word, they may be won over(C) without words by the behavior of their wives, 2 when they see the purity and reverence of your lives. 3 Your beauty should not come from outward adornment, such as elaborate hairstyles and the wearing of gold jewelry or fine clothes.(D) 4 Rather, it should be that of your inner self,(E) the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God’s sight.(F) 5 For this is the way the holy women of the past who put their hope in God(G) used to adorn themselves.(H) They submitted themselves to their own husbands, 6 like Sarah, who obeyed Abraham and called him her lord.(I) You are her daughters if you do what is right and do not give way to fear.
7 Husbands,(J) in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect as the weaker partner and as heirs with you of the gracious gift of life, so that nothing will hinder your prayers.
Suffering for Doing Good
8 Finally, all of you, be like-minded,(K) be sympathetic, love one another,(L) be compassionate and humble.(M) 9 Do not repay evil with evil(N) or insult with insult.(O) On the contrary, repay evil with blessing,(P) because to this(Q) you were called(R) so that you may inherit a blessing.(S) 10 For,
“Whoever would love life
and see good days
must keep their tongue from evil
and their lips from deceitful speech.
11 They must turn from evil and do good;
they must seek peace and pursue it.
12 For the eyes of the Lord are on the righteous
and his ears are attentive to their prayer,
but the face of the Lord is against those who do evil.”[a](T)
13 Who is going to harm you if you are eager to do good?(U) 14 But even if you should suffer for what is right, you are blessed.(V) “Do not fear their threats[b]; do not be frightened.”[c](W) 15 But in your hearts revere Christ as Lord. Always be prepared to give an answer(X) to everyone who asks you to give the reason for the hope(Y) that you have. But do this with gentleness and respect, 16 keeping a clear conscience,(Z) so that those who speak maliciously against your good behavior in Christ may be ashamed of their slander.(AA) 17 For it is better, if it is God’s will,(AB) to suffer for doing good(AC) than for doing evil. 18 For Christ also suffered once(AD) for sins,(AE) the righteous for the unrighteous, to bring you to God.(AF) He was put to death in the body(AG) but made alive in the Spirit.(AH) 19 After being made alive,[d] he went and made proclamation to the imprisoned spirits(AI)— 20 to those who were disobedient long ago when God waited patiently(AJ) in the days of Noah while the ark was being built.(AK) In it only a few people, eight in all,(AL) were saved(AM) through water, 21 and this water symbolizes baptism that now saves you(AN) also—not the removal of dirt from the body but the pledge of a clear conscience(AO) toward God.[e] It saves you by the resurrection of Jesus Christ,(AP) 22 who has gone into heaven(AQ) and is at God’s right hand(AR)—with angels, authorities and powers in submission to him.(AS)
Footnotes
- 1 Peter 3:12 Psalm 34:12-16
- 1 Peter 3:14 Or fear what they fear
- 1 Peter 3:14 Isaiah 8:12
- 1 Peter 3:19 Or but made alive in the spirit, 19 in which also
- 1 Peter 3:21 Or but an appeal to God for a clear conscience
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.