Print Page Options

Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan (A)na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,

(B)Ayon (C)sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at (D)mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: (E)Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.

Purihin nawa ang Dios (F)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli (G)tayo sa isang buhay na pagasa (H)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,

Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, (I)na inilaan sa langit para sa inyo,

Na sa kapangyarihan ng Dios (J)ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.

Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't (K)ngayo'y sa sangdaling panahon, (L)kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,

Upang (M)ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y (N)sinusubok sa pamamagitan ng apoy, (O)ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal (P)sa pagpapakahayag ni Jesucristo:

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (Q)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (R)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

(S)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (T)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:

11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (U)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (V)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.

12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (W)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

13 Kaya't (X)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (Y)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (Z)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;

14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (AA)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (AB)sa kawalang kaalaman:

15 Nguni't yamang banal (AC)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (AD)ng pamumuhay;

16 Sapagka't nasusulat, (AE)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.

17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (AF)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (AG)takot ang panahon ng inyong (AH)pangingibang bayan:

18 Na inyong nalalamang (AI)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (AJ)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;

19 Kundi ng mahalagang (AK)dugo, gaya ng sa (AL)korderong (AM)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:

20 (AN)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (AO)sa mga huling panahon dahil sa inyo,

21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (AP)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (AQ)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

22 Yamang (AR)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (AS)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (AT)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:

23 (AU)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (AV)sa pamamagitan (AW)ng salita ng Dios (AX)na nabubuhay at namamalagi.

24 Sapagka't,

(AY)Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 (AZ)Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.

At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,

Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,

Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo,

Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.

Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,

Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:

11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.

12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

13 Kaya't inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;

14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na sa kawalang kaalaman:

15 Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay;

16 Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.

17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan:

18 Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;

19 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:

20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,

21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.

22 Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:

23 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.

24 Sapagka't, Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:

25 Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

Pagbati

Mula kay Pedro, apostol ni Jesu-Cristo,

Para sa mga hinirang ng Diyos na naninirahan bilang mga dayuhan at nagsikalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia. Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang kaalaman sa mula't mula pa at ginawang banal ng Espiritu upang sumunod kay Jesu-Cristo at mawisikan ng kanyang dugo:

Nawa'y sumagana sa inyo ang biyaya at kapayapaan.

Buháy na Pag-asa

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa kamatayan, upang magkamit ng isang manang hindi nasisira, walang dungis, at hindi kumukupas na inihanda sa langit para sa inyo. Kayo'y iniingatan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasang mahahayag sa katapusan ng panahon. Dahil sa mga ito, dapat kayong magalak bagaman sa loob ng maikling panahon ay dumaranas kayo ng iba't ibang pagsubok. Nararanasan ninyo ito upang dalisayin ang inyong pananampalataya. Kaya kung paanong pinararaan sa apoy ang ginto, ang inyong pananampalatayang mas mahalaga kaysa gintong nasisira ay pinararaan din sa apoy ng pagsubok upang mapatunayan kung talagang tapat. Kung magkagayon, tatanggap kayo ng papuri, kaluwalhatian at karangalan sa araw ng pagpapahayag kay Jesu-Cristo. Hindi ninyo siya nakita kailanman ngunit inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, subalit sumasampalataya kayo sa kanya. Umaapaw na ang inyong puso sa kagalakang di kayang ilarawan ng salita, sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. 10 Ang kaligtasang ito ay masusing siniyasat at sinuri ng mga propetang nagpahayag tungkol sa biyayang darating sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at kanino matutupad ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang kanyang unang ipahayag ang mga pagdurusang mararanasan ni Cristo at ang kaluwalhatian pagkatapos nito. 12 Nang ipahayag sa kanila ito, ipinaunawa ng Diyos sa kanila na ang ginagawa nila'y hindi para sa kanila kundi para sa inyo. Sinabi na sa inyo ang mga bagay na ito ng mga nangaral ng Magandang Balita sa pamamagitan ng Banal na Espiritung isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel ay nasasabik na maunawaan ang mga bagay na ito.

Panawagan Tungo sa Banal na Pamumuhay

13 Kaya't ihanda na ninyo ang inyong isipan para sa dapat ninyong gawin.[a] Magpigil kayo sa sarili at lubos na asahan ang pagpapalang mapasasainyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong mabuhay sa masasamang hilig na ginagawa ninyo noong wala pa kayong kaalaman. 15 Sa halip, kung paanong banal ang Diyos na tumawag sa inyo, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa. 16 Sapagkat (A) nasusulat, “Maging banal kayo, sapagkat ako'y banal.”

17 Dahil tinatawag ninyong Ama ang Diyos na hindi nagtatangi sa kanyang paghatol sa mga gawa ng tao, mamuhay kayong may takot sa kanya sa buong panahon ng inyong pagiging dayuhan. 18 Alam ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. At ang ipinantubos sa inyo'y hindi mga bagay na nasisira tulad ng pilak o ginto, 19 kundi ang mahalagang dugo ni Cristo, tulad sa korderong walang dungis at kapintasan. 20 Itinalaga na siya ng Diyos bago pa nilikha ang sanlibutan, ngunit ipinahayag sa katapusan ng panahon dahil sa inyo. 21 Sa pamamagitan ni Cristo ay sumampalataya kayo sa Diyos, na bumuhay at nagparangal sa kanya, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos. 22 Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. 23 Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng binhing nasisira kundi sa pamamagitan ng buháy at nananatiling salita ng Diyos. 24 Sapagkat, (B)

“Ang lahat ng tao'y gaya ng damo,
    at lahat ng kaluwalhatian nila'y tulad ng bulaklak sa parang.
Ang damo'y natutuyo,
    at nalalanta ang bulaklak,
25 subalit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”

At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Footnotes

  1. 1 Pedro 1:13 Sa Griyego, bigkisin ninyo ang mga baywang ng inyong pag-iisip.

Mula kay Pedro na apostol ni Jesu-Cristo.

Mahal kong mga pinili ng Dios na nangalat at naninirahan bilang mga dayuhan sa Pontus, Galacia, Capadosia, Asia at Bitinia:

Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.

May Inihanda ang Dios para sa Atin

3-4 Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin. Ang manang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.

Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo. Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi nʼyo pa siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ipahayag ng bibig, dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan. 10 Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Dios sa atin. 11 Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila, na maghihirap siya bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. 12 Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa atin.[a] At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.

Sundin Ninyo ang Dios

13 Kaya lagi kayong maging handa na gawin ang kalooban ng Dios. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring mga anak ng Dios, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios. 15 Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. 16 Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”[b]

17 Walang pinapaboran ang Dios. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito. 18 Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, 19 kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios. 20 Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Dios si Cristo para maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Dios nitong mga huling araw alang-alang sa inyo. 21 Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Dios na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Dios, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

22 At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Cristo. Magmahalan kayo ng taos-puso, 23 dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Dios. 24 Ayon sa Kasulatan,

    “Ang lahat ng tao ay parang damo,
    ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.
    Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag,
25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”[c]

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Footnotes

  1. 1:12 atin: sa literal, inyo.
  2. 1:16 Lev. 11:44, 45; 19:2.
  3. 1:25 Isa. 40:6-8.

Hälsning

Från Petrus, som är apostel[a] åt Jesus Kristus[b].

Till de utvalda som bor utspridda i Pontos, Galatien, Kappadokien, Asien och Bithynien. Enligt Guds, vår Faders, plan är ni helgade i Anden och bestämda till lydnad inför Jesus Kristus och rening genom hans blod.

Nåd och frid åt er i rikaste mått!

Hoppet om evigt liv

Välsignad är Gud, vår Herre Jesus Kristus Fader. I sin stora barmhärtighet lät han oss födas på nytt till ett levande hopp genom att Jesus Kristus uppstod från de döda, hoppet att en dag få ärva det som aldrig kan förstöras eller fläckas eller tyna bort och som är förvarat åt er i himlen. Med Guds kraft bevaras ni genom tron till den räddning som finns beredd och ska uppenbaras i den sista tiden.

Var därför glada och jubla, även om ni nu för en kort tid måste gå igenom olika slags prövningar. Genom dessa förädlas er tro, så att bara det som är äkta blir kvar, det som är långt mer värt än guld som förädlas i eld men ändå förgås, det som blir till lov, pris och ära när Jesus Kristus uppenbarar sig.

Ni älskar honom trots att ni inte har sett honom. Och fastän ni ännu inte ser honom, tror ni på honom och jublar och fylls av en obeskrivlig, härlig glädje, eftersom ni snart ska nå målet för er tro, räddningen för era liv.

10 Det var denna räddning som profeterna så ivrigt utforskade och försökte förstå, när de profeterade om den nåd som ni skulle få. 11 De utforskade vad och vilken tid som Kristus Ande inom dem syftade på när han förutsade Kristus lidanden och den härlighet som skulle följa. 12 Det uppenbarades för dem att de inte tjänade sig själva utan er med sitt budskap. Det har nu kungjorts för er av dem som, genom den heliga Anden som var utsänd från himlen, har förkunnat evangeliet för er – något som till och med änglarna önskar få en inblick i.

Håll er rena från synden

13 Spänn därför bältet om livet och var nyktra. Sätt allt ert hopp till den nåd ni ska få när Jesus Kristus uppenbaras. 14 Som lydiga barn, låt er inte längre drivas av de begär som styrde er medan ni fortfarande var okunniga. 15 Liksom han som har kallat er är helig, så ska ni också leva ett alltigenom heligt liv. 16 Det står ju skrivet: ”Ni ska vara heliga, för jag är helig.”[c]

17 Om ni kallar honom Fader när ni ber, han som utan att göra någon skillnad på människor dömer var och en efter hans gärningar, lev då i gudsfruktan under den tid av främlingskap som ni lever här. 18 Ni vet själva att det inte var med något förgängligt som silver eller guld som ni köptes fria från det meningslösa liv som både ni och era förfäder levde. 19 Nej, det var med Kristus dyrbara blod, ett lamm utan fläck eller fel. 20 Han var utsedd redan innan världen skapades, men det var först nu vid tidens slut som han uppenbarades för er skull. 21 Genom honom tror ni på Gud, som uppväckte honom från de döda och förhärligade honom, så att ni kan tro och hoppas på Gud.

22 Ni har renat er själva genom att lyda sanningen och kan nu visa varandra en uppriktig syskonkärlek. Älska varandra av hela hjärtat. 23 Ni har ju blivit födda på nytt, inte genom en förgänglig säd utan genom en oförgänglig, genom Guds levande och bestående ord. 24 För

”Människan[d] är som gräset,
    och all hennes prakt är som ängsblomman.
Gräset torkar och blomman faller av.
25     Men Herrens ord består i evighet.”[e]

Och det är detta budskap som nu har förkunnats för er.

Footnotes

  1. 1:1 Eller sändebud.
  2. 1:1 Se not till Matt 1:1.
  3. 1:16 Se 3 Mos 11:44-45; 19:2; 20:7.
  4. 1:24 Ordagrant: Allt kött
  5. 1:25 Se Jes 40:6-8.