Add parallel Print Page Options

Sinugo ng Diyos si Propeta Elias

17 Si(A) Elias ay isang propetang taga-Tisbe sa Gilead.[a] Sinabi niya kay Ahab, “Saksi si Yahweh, ang buháy na Diyos ng Israel na aking pinaglilingkuran, hindi uulan, ni hindi magkakahamog sa mga darating na taon hangga't hindi ko sinasabi.”

Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias, “Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”

Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom. Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.

Pinapunta si Elias sa Sarepta

Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, “Umalis(B) ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon.” 10 Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, “Maaari po bang makiinom?” 11 Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay.”

12 Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos[b] na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”

13 Sinabi sa kanya ni Elias, “Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo. 14 Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel:

Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan,
at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan
hanggang hindi sumasapit ang takdang araw
na papatakin na ni Yahweh ang ulan.”

15 Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw. 16 Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.

Binuhay ni Elias ang Anak ng Biyuda

17 Hindi nagtagal at nagkasakit ang anak ng biyuda. Lumubha ang sakit ng bata hanggang sa ito'y mamatay. 18 Kaya't sinabi ng babae kay Elias, “Anong ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang ako'y sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak?”

19 “Akin na ang bata,” sabi ni Elias. At kinuha niya ang bata, ipinanhik sa itaas, sa silid na kanyang tinutuluyan. Inilagay niya ang bata sa kanyang higaan 20 at nanalangin, “Yahweh, aking Diyos, ito ba ang inyong igaganti sa babaing nagmagandang-loob sa akin?” 21 Tatlong(C) beses siyang dumapa sa bata at nanalangin ng ganito: “Yahweh, aking Diyos, hinihiling ko pong muli ninyong buhayin ang batang ito.” 22 Dininig ni Yahweh ang dalangin ni Elias at muling nabuhay ang bata.

23 Inakay ni Elias ang bata, at ibinalik sa kanyang ina saka sinabing, “Narito ang anak mo, buháy na siya.”

24 At sumagot ang babae, “Tiyak ko na ngayon na kayo nga ay isang lingkod ng Diyos, at nagsasalita si Yahweh sa pamamagitan ninyo.”

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 17:1 taga-Tisbe sa Gilead: o kaya'y mamamayan ng Gilead .
  2. 1 Mga Hari 17:12 Saksi si Yahweh…Diyos: o kaya'y Hangga't si Yahweh na inyong Diyos ay nabubuhay .
'1 Mga Hari 17 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Elijah Announces a Great Drought

17 Now Elijah(A) the Tishbite, from Tishbe[a] in Gilead,(B) said to Ahab, “As the Lord, the God of Israel, lives, whom I serve, there will be neither dew nor rain(C) in the next few years except at my word.”

Elijah Fed by Ravens

Then the word of the Lord came to Elijah: “Leave here, turn eastward and hide(D) in the Kerith Ravine, east of the Jordan. You will drink from the brook, and I have directed the ravens(E) to supply you with food there.”

So he did what the Lord had told him. He went to the Kerith Ravine, east of the Jordan, and stayed there. The ravens brought him bread and meat in the morning(F) and bread and meat in the evening, and he drank from the brook.

Elijah and the Widow at Zarephath

Some time later the brook dried up because there had been no rain in the land. Then the word of the Lord came to him: “Go at once to Zarephath(G) in the region of Sidon and stay there. I have directed a widow(H) there to supply you with food.” 10 So he went to Zarephath. When he came to the town gate, a widow was there gathering sticks. He called to her and asked, “Would you bring me a little water in a jar so I may have a drink?”(I) 11 As she was going to get it, he called, “And bring me, please, a piece of bread.”

12 “As surely as the Lord your God lives,” she replied, “I don’t have any bread—only a handful of flour in a jar and a little olive oil(J) in a jug. I am gathering a few sticks to take home and make a meal for myself and my son, that we may eat it—and die.”

13 Elijah said to her, “Don’t be afraid. Go home and do as you have said. But first make a small loaf of bread for me from what you have and bring it to me, and then make something for yourself and your son. 14 For this is what the Lord, the God of Israel, says: ‘The jar of flour will not be used up and the jug of oil will not run dry until the day the Lord sends rain(K) on the land.’”

15 She went away and did as Elijah had told her. So there was food every day for Elijah and for the woman and her family. 16 For the jar of flour was not used up and the jug of oil did not run dry, in keeping with the word of the Lord spoken by Elijah.

17 Some time later the son of the woman who owned the house became ill. He grew worse and worse, and finally stopped breathing. 18 She said to Elijah, “What do you have against me, man of God? Did you come to remind me of my sin(L) and kill my son?”

19 “Give me your son,” Elijah replied. He took him from her arms, carried him to the upper room where he was staying, and laid him on his bed. 20 Then he cried(M) out to the Lord, “Lord my God, have you brought tragedy even on this widow I am staying with, by causing her son to die?” 21 Then he stretched(N) himself out on the boy three times and cried out to the Lord, “Lord my God, let this boy’s life return to him!”

22 The Lord heard Elijah’s cry, and the boy’s life returned to him, and he lived. 23 Elijah picked up the child and carried him down from the room into the house. He gave him to his mother(O) and said, “Look, your son is alive!”

24 Then the woman said to Elijah, “Now I know(P) that you are a man of God(Q) and that the word of the Lord from your mouth is the truth.”(R)

Footnotes

  1. 1 Kings 17:1 Or Tishbite, of the settlers