Add parallel Print Page Options
'1 Paralipomeno 27 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mga Opisyal ng mga Sundalo

27 Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may 24,000 sundalo.

Si Jashobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya. Mula siya sa angkan ni Perez at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.

Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May 24,000 siyang sundalo. Si Miklot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

Si Benaya na anak ng paring si Jehoyada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May 24,000 siyang sundalo sa kanyang grupo. Siya ang Benaya na matapang na pinuno ng 30 matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.

Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadia ang pumalit sa kanya. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Si Shamut[a] na mula sa angkan ni Izra ang kumander sa ikalimang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

10 Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

11 Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

12 Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

13 Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

14 Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

15 Si Heldai[b] na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

Ang mga Pinuno ng mga Angkan ng Israel

16 Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:

Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.

Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.

17 Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.

Sa angkan ni Aaron: si Zadok.

18 Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.

Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.

19 Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.

Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.

20 Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.

Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.

21 Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.

Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.

22 Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.

Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.

23 Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit. 24 Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

Ang mga Opisyal sa Kaharian

25 Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.

Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

27 Si Shimei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.

Si Zabdi na taga-Sefam ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak ng hari.

28 Si Baal Hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[c]

Si Joash ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.

29 Si Sitrai na taga-Sharon ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Sharon.

Si Shafat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.

30 Si Obil na Ishmaelita ang namamahala ng mga kamelyo.

Si Jedaya na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.

31 Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa.

Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.

32 Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari. 33 Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Arkeo na si Hushai ay malapit na kaibigan ng hari. 34 Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Jehoyada na anak ni Benaya at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.

Footnotes

  1. 27:8 Shamut: o, Shama.
  2. 27:15 Heldai: o, Heled.
  3. 27:28 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.

Mga punong kawal.

27 Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si (A)Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.

At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si (B)Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si (C)Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ito yaong Benaias na siyang (D)makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.

Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si (E)Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si (F)Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

10 Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si (G)Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

11 Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si (H)Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

12 Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si (I)Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

13 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si (J)Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

14 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si (K)Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

15 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si (L)Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Mga tagapamahala sa mga lipi.

16 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.

17 Sa Levi, si (M)Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si (N)Sadoc;

18 Sa Juda, si (O)Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:

19 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:

20 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:

21 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.

22 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.

23 Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng (P)Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.

24 Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, (Q)nguni't hindi natapos; at (R)dumating sa Israel ang pagiinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.

Ang mga taga ingat-yaman ng haring si David.

25 At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias:

26 At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:

27 At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:

28 At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:

29 At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:

30 At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.

31 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pagaari ng haring David.

Ang mga kasangguni ni David.

32 At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:

33 (S)At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si (T)Husai na Archita ay kaibigan ng hari:

34 At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab.

Војни редови

27 Ово је број Израиљаца, главара отачких домова, заповедника над хиљаду и стотину, и њихових надгледника, који су служили цару у свему што се тицало редова. Они су долазили и одлазили од месеца до месеца, током свих месеци у години. Сваки ред је имао двадесет четири хиљаде.

Над првим је редом првог месеца био Завдилов син Јасовеам. У његовом реду је било двадесет четири хиљаде. Он је био од Фаресових потомака, а био је главар над свим старешинама у војсци првог месеца.

Над редом другог месеца био је Додај Ахошанин, а војвода у његовом реду био је Миклот; и он је у свом реду имао двадесет четири хиљаде.

Трећи војвода трећег месеца био је Венаја, син Јодаја свештеника, главар; и у његовом реду је било двадесет четири хиљаде. Тај Венаја је био јунак међу тридесеторицом и над тридесеторицом. Над његовим редом је био његов син Амизавад.

Четврти, четвртог месеца, био је Асаило брат Јоавов, а за њим његов син Зевадија; и у његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

Пети, петог месеца, био је главар Самут Језрајанин; и у његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

Шести, шестог месеца, био је Икисов син Ира, Текујанин. У његовом реду било је двадесет четири хиљаде.

10 Седми, седмог месеца, био је Хелис Фелоњанин од Јефремових синова. У његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

11 Осми, осмог месеца, био је Сивехај Хусаћанин од Зариних синова, И у његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

12 Девети, деветог месеца, био је Авиезер Анатоћанин од Венијаминових синова. У његовом реду је био двадесет четири хиљаде.

13 Десети, десетог месеца, био је Марај Нетофаћанин од Зариних синова. И у његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

14 Једанаести, једанаестог месеца, био је Венаја Пиратоњанин од Јефремових синова. У његовом реду је било двадесет четири хиљаде.

15 Дванаести, дванаестог месеца, био је Хелдај Нетофаћанин од Готонила. И у његовом реду је било двадесет и четири хиљаде.

Племенски кнезови

16 Над Израиљевим племенима су били:

над Рувимовим племеном: владар Елиезер, Зихријев син; над Симеуновим: Махин син Сефатија;

17 над Левијевим: Асавија, син Кемуилов; над Ароновим: Садок;

18 над Јудиним: Елијуј од Давидове браће; над Исахаровим: Михаилов син Амрије;

19 над Завулоновим: Авдијин син Исмаја; над Нефталимовим: Азрилов син Јеримот;

20 над Јефремовим синовима: Азазијев син Осија; над половином Манасијиног племена: Федајин син Јоило;

21 над другом половином племена Манасијиног у Галаду био је Захаријин син Идо; над Венијаминовим: Авениров син Јасило;

22 над Дановим Јероамов син Азареило. То су били кнезови Израиљевих племена.

23 Давид није бројао оне од двадесет година и ниже, јер је Господ обећао да ће умножити Израиљ као звезде на небу. 24 Серујин син Јоав је почео да броји, али није довршио. Због овога је гнев пао на Израиљ, тако да тај број није био уведен у извештај дневника цара Давида.

Цареви надгледници

25 Надгледник царевих ризница био је Адилов син Азмавет, а над ризницама по земљи, по градовима, селима и тврђавама, Озијин син Јонатан.

26 Над ратарима, који су обрађивали земљу, био је Хелувов син Езрије.

27 Над виноградарима је био Семај Рамаћанин, а надгледник над виноградским родом и подрумима био је Завдије Сифмејац.

28 Надгледник над маслинама и смоквама у равници био је Валенон Гедеранин; над уљем је био Јоас.

29 Надгледник над говедима што су пасла у Сарону био је Ситрај Сароњанин, а над говедима по долинама Адлајев син Сафат.

30 Надгледник над камилама био је Овил Исмаиљац, а над магарцима Једаја Мероноћанин.

31 Надгледник над овцама био је Јазиз Агарин. Сви су они били надгледници над добрима цара Давида.

32 Давидов стриц Јонатан је био саветник, мудар човек и писар. Ахмонијев син Јехило се старао за цареве синове.

33 Ахитофел је био царев саветник, и Хусај Аркијанин, царев пријатељ.

34 Ахитофела су наследили Венајин син Јодај и Авијатар, а царев војвода је био Јоав.