1 Corinto 9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Karapatan ng Apostol
9 Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako apostol? Hindi ko ba nakita si Jesus na Panginoon natin? Hindi ba bunga kayo ng aking gawain sa Panginoon? 2 Kung sa iba'y hindi ako apostol, ngunit sa inyo nama'y apostol ako, sapagkat kayo ang tatak ng aking pagkaapostol sa Panginoon.
3 Ito ang aking pagtatanggol sa mga tumutuligsa sa akin. 4 Wala ba kaming karapatang kumain at uminom? 5 Wala ba kaming karapatang magsama ng asawa sa aming paglalakbay gaya ng ibang mga apostol at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Pedro?[a] 6 O kami lamang ba ni Bernabe ang walang karapatang tumigil sa paghahanap-buhay? 7 Mayroon bang kawal na naglilingkod sa sarili niyang gastos? Mayroon bang nagtatrabaho sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? Mayroon bang nag-aalaga ng mga hayop sa kawan, at hindi umiinom ng gatas ng mga iyon? 8 Sinasabi ko ang mga bagay na ito hindi ayon sa pamantayan ng tao. Hindi ba't ito rin ang sinasabi ng Kautusan? 9 Sapagkat (A) nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka kapag gumigiik.” Ang mga baka lang ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos? 10 Hindi ba't siya ay nagsasalita para sa atin? Ito ay nasulat para sa atin, sapagkat ang nag-aararo ay dapat mag-araro nang may pag-asa, at ang gumigiik ay dapat gumiik nang may pag-asa, at sila'y kapwa tatanggap ng bahagi. 11 Kung (B) kami ay nakapaghasik sa inyo ng mga bagay na espirituwal, kalabisan bang umani kami sa inyo ng mga bagay na materyal? 12 Kung ang iba ay may ganitong karapatan sa inyo, di ba lalong mas may karapatan kami?
Ngunit hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi tinitiis namin ang lahat, upang hindi kami makapaglagay ng balakid sa ebanghelyo ni Cristo. 13 Hindi (C) ba ninyo nalalaman na ang mga naglilingkod sa mga gawain sa templo ay kumakain ng mga bagay mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay nakikibahagi sa mga handog sa dambana? 14 Sa gayunding paraan, (D) itinakda ng Panginoon na ang mga nangangaral ng ebanghelyo ay dapat kumuha ng ikabubuhay mula sa ebanghelyo. 15 Ngunit hindi ko ginamit ang alinman sa mga karapatang ito, at hindi ako sumusulat nito ngayon upang ganito ang gawin sa akin. Sapagkat mas nanaisin ko pang mamatay, kaysa maagaw ng sinuman ang batayan ng aking pagmamalaki! 16 Kung ipinangangaral ko ang ebanghelyo ay wala akong maipagmamalaki sapagkat ito ay tungkuling iniatang sa akin. Kaysaklap ng sasapitin ko kung hindi ko ipangaral ang ebanghelyo! 17 Sapagkat kung kusang-loob ko itong ginagawa, ako ay may gantimpala. Ngunit kung hindi kusang-loob, isang pangangasiwa ang ipinagkatiwala sa akin. 18 Ano naman ang gantimpala ko? Iyon ay ang maipangaral ko ang ebanghelyo nang walang bayad, upang hindi ko magamit nang lubusan ang aking karapatan sa ebanghelyo.
19 Bagaman malaya ako, at hindi alipin ng sinuman, nagpaalipin ako sa lahat, upang mas marami akong mahikayat. 20 Sa mga Judio, ako ay naging gaya ng isang Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng Kautusan, ako ay naging gaya ng isang nasa ilalim ng Kautusan, bagaman ako ay wala sa ilalim ng Kautusan, upang mahikayat ko ang mga nasa ilalim ng Kautusan. 21 Sa mga nasa labas ng Kautusan, ako ay naging tulad sa walang Kautusan, ngunit hindi ibig sabihing hindi ako saklaw ng Kautusan ng Diyos, sa halip ako nga'y napapasakop sa Kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga nasa labas ng Kautusan. 22 Sa mahihina, ako ay naging mahina, upang mahikayat ko ang mahihina. Sa lahat ng bagay ay nakibagay ako sa lahat ng tao, upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng ilan. 23 Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa ebanghelyo, upang ako'y maging kabahagi sa mga biyaya nito.
24 Hindi ba ninyo nalalaman na tumatakbong lahat ang mga kasali sa isang takbuhan, ngunit iisa lamang ang tumatanggap ng gantimpala? Kaya't tumakbo kayo sa paraang kayo'y magkakamit niyon. 25 Ang mga nakikipagpaligsahan sa mga palaro ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay. Ginagawa nila iyon upang sila ay magkamit ng isang koronang nasisira, ngunit tayo'y para sa hindi nasisira. 26 Kaya't ako'y tumatakbo hindi gaya ng walang patutunguhan; hindi ako sumusuntok na parang sumusuntok sa hangin. 27 Sa halip ay sinusupil ko ang aking katawan, at inaalipin ko ito, baka pagkatapos na mangaral ako sa iba, ako mismo ay hindi makapasa sa pagsubok.
Footnotes
- 1 Corinto 9:5 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.
歌 林 多 前 書 9
Chinese New Testament: Easy-to-Read Version
保罗没有利用权力
9 我是一个自由人。我是一名使徒。我见过我们的主耶稣!你们是我在主内工作的榜样。 2 即便对别人来说我不是使徒,但至少对你们来说我却是。你们这些人就是我在主内使徒身份的证明。
3 对那些评判我的人,这是我的辩护: 4 难道我没有吃喝的权力吗? 5 难道我不能像其他的使徒,像主的兄弟,像彼得 [a]那样,带着信主的妻子一道旅行吗? 6 难道只有巴拿巴和我必须靠工作维持生计吗? 7 有谁当兵却要自备粮晌呢?有谁种植了葡萄园却不吃园里的葡萄呢?有谁放羊却不喝羊奶呢?
8 这些事情不仅是凡人所想,上帝的律法也是这么说的。 9 摩西律法上说道∶“牛在打谷时,不要套上它的嘴。”上帝关心的难道是牛吗? 10 他说这话,难道不是为我们而说的吗?是的,的确是为了我们而说的。耕田和碾谷的人这么做,指望的是分到自己应得的那份。 11 既然我们为了你们的利益,播下了属灵的种子,那么,我们从你们那里收获些物质成果,能算过份吗? 12 如果别人有权获得你们的物质资助,我们不是更有理由这么做吗?但是,我们没有利用过这种权力,相反,我们宁愿忍受一切,而不为基督的福音设置障碍。 13 你们难道不知道在大殿里供职的人应该从大殿里得到食物吗?定期在祭坛边侍奉的人,应该一同分享祭坛上的供品吗? 14 同样,主吩咐过,传播福音的人应该靠福音养活。
15 但是,我没有利用过这些权利。我写这些,也不是要争取这些权利。这不是我给你们写信的目的。我宁死也不愿让别人夺走我引以夸耀的理由。 16 我没有理由为传福音而夸耀。这是我的义务—是我必须做的。如果我不传福音,我就会遭秧。 17 如果我传福音是我自己的选择,我应该得到报偿。但是这并非是我自己的选择,而是在履行交给我的任务而已, 18 那么我的报酬是什么呢?这报酬就是,我在传福音时,我可以让人不花钱白得福音。因此我不去利用我传福音应得到报偿的权利。
19 虽然我是自由人,不属于任何人,但是,我却使自己成为所有人的奴仆,以便尽可能争取更多的人。 20 对于犹太人,我就像个犹太人,为的是尽可能地争取犹太人。对于生活在律法 [b]之下的人,我就像一个生活在律法之下的人,(尽管我自己并不生活在律法之下,)为的是争取那些生活在律法之下的人。 21 对于没有律法的人,我就像一个没有律法的人,(虽然我并不生活在律法之下,但是我却服从基督的律法。)以便争取没有律法的人。 22 对于软弱的人,我就像一个软弱的人,以便我争取他们。在什么人中间,我就变得像什么人,以便竭尽一切可能来拯救一些人。 23 我为福音的缘故,做这一切,以便能分享福音的祝福。
24 你们知道在竞技场上所有的赛跑者中只有一个人能得奖。你们要抱着夺标的想法去跑。 25 在体育比赛中,所有的参赛者都要受到严格的训练,为的是要得到那易逝的桂冠。然而我们想得到的却是那不朽的桂冠。 26 所以,我不像漫无目标的人那样盲目地瞎跑;倒要像拳击手那样,每一拳都不落空。 27 我严格地对待我的身体,使它得到控制,以便我向别人传教后,自己不会被上帝淘汰。
Footnotes
- 歌 林 多 前 書 9:5 彼得: 阿拉米语“矶法”。
- 歌 林 多 前 書 9:20 律法: 也许是犹太律法—摩西律法。
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center