1 Corinto 9:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Hindi ba ito ay sinabi niya nang dahil sa atin? Dahil sa atin ito ay isinulat: Ang nag-aararo ay dapat mag-araro sa pag-asa, at ang naggigiik ng mais sa pag-asa ay dapat maging kabahagi ng kaniyang pag-asa. 11 Yamang nakapaghasik kami sa inyo ng mga espirituwal na bagay, malaking bagay ba kung umani kami ng mga bagay na para sa katawan? 12 Yamang ang iba ay kabahagi sa karapatan sa inyo, hindi ba kami rin?
Gayunman, hindi namin ginamit ang karapatang ito. Sa halip, binata namin ang lahat ng bagay upang hindi namin mahadlangan ang ebanghelyo ni Cristo.
Read full chapter
1 Corinto 9:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Hindi ba't siya ay nagsasalita para sa atin? Ito ay nasulat para sa atin, sapagkat ang nag-aararo ay dapat mag-araro nang may pag-asa, at ang gumigiik ay dapat gumiik nang may pag-asa, at sila'y kapwa tatanggap ng bahagi. 11 Kung (A) kami ay nakapaghasik sa inyo ng mga bagay na espirituwal, kalabisan bang umani kami sa inyo ng mga bagay na materyal? 12 Kung ang iba ay may ganitong karapatan sa inyo, di ba lalong mas may karapatan kami?
Ngunit hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi tinitiis namin ang lahat, upang hindi kami makapaglagay ng balakid sa ebanghelyo ni Cristo.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.