Add parallel Print Page Options

Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman. Ngunit ang taong nagmamahal sa Dios ay siyang kinikilala ng Dios na kanya.

Kaya kung tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga dios-diosan, alam natin na ang mga dios-diosang itoʼy hindi totoong Dios, dahil iisa lamang ang Dios.

Read full chapter

Sinumang nag-aakala na mayroon siyang alam ay hindi pa niya alam ang dapat niyang malaman. Ngunit sinumang umiibig sa Diyos, ang taong ito ay kinikilala ng Diyos. Kaya't tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang Diyos maliban sa isa.

Read full chapter

(A)Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman;

Datapuwa't kung ang sinoman (B)ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.

Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na (C)ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, (D)at walang Dios liban sa iisa.

Read full chapter