Print Page Options

16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.

Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:

At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.

Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;

Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.

Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.

Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;

Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.

10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.

12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.

13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.

14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),

16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.

17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.

18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.

20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.

21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.

22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]

23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Footnotes

  1. 1 Corinto 16:19 Pricila.
  2. 1 Corinto 16:22 Maran-atha—ang ating Panginoon ay paririto.

Ang Tulong para sa mga Kapatid

16 At (A) tungkol naman sa ambag para sa mga banal: gawin din ninyo kung ano ang itinagubilin ko sa mga iglesya sa Galacia. Tuwing unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ng halaga ayon sa kanyang kinita, upang huwag nang magkaroon ng mga ambagan pagpunta ko. At pagdating ko riyan, ang mga taong inyong mapili ay aking isusugo na may dalang mga sulat upang maghatid ng inyong kaloob sa Jerusalem. Kung kinakailangan kong pumunta ay sasamahan nila ako.

Plano ni Pablo sa Paglalakbay

Dadalawin (B) ko kayo pagdaan ko sa Macedonia, sapagkat daraan ako roon. At maaaring tumigil muna ako riyan sa inyo o kaya'y magpalipas ng taglamig, upang ako'y maihatid ninyo, saan man ako pumunta. Ayaw kong maging sandali lang ang ating pagkikita; kung loloobin ng Panginoon, ibig kong magtagal-tagal diyan na kasama ninyo. Ngunit (C) titigil ako sa Efeso hanggang araw ng Pentecostes, sapagkat (D) nabuksan para sa akin ang isang maluwang na pintuan tungo sa makabuluhang gawain, bagama't maraming sumasalungat.

10 Pagdating (E) ni Timoteo, sikapin ninyo na wala siyang anumang dapat ipangamba sa piling ninyo, sapagkat tulad ko ay ginagampanan niya ang gawain ng Panginoon. 11 Kaya't huwag siyang hamakin ng sinuman. Mapayapa ninyo siyang ihatid sa kanyang paglalakbay upang makabalik siya sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.

12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, nakiusap akong mabuti sa kanya na puntahan kayo kasama ng ibang mga kapatid. Wala pa siyang balak na pumunta riyan ngayon. Ngunit darating siya kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon.

Pagwawakas at Pagbati

13 Magbantay kayo, manindigan kayo sa pananampalataya, magpakatapang kayo, magpakatatag kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat nang may pag-ibig.

15 Alam ninyo (F) na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng pangangaral sa Acaia. Inilaan na nila ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal. Kaya't nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16 na magpailalim kayo sa pamumuno ng gayong uri ng mga tao at sa bawat isang nagpapagal at nakikiisa sa gawain. 17 Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat kanilang pinunan ang inyong kakulangan. 18 Pinaginhawa rin nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Pahalagahan ninyo ang pagkilala sa katulad nila.

19 Binabati (G) kayo ng mga iglesya sa Asia. Malugod kayong binabati sa Panginoon nina Aquila at Priscila[a] gayundin ng iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay. 20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo nang may banal na halik.

21 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay. 22 Sumpain ang sinumang hindi nagmamahal sa Panginoon. Dumating ka nawa, Panginoon! 23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesus. 24 Sumainyo nawang lahat ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus. Amen.

Footnotes

  1. 1 Corinto 16:19 o Prisca.

Ang Paglilikom Para sa mga Anak ng Diyos

16 Patungkol naman sa nalilikom na para sa mga banal, gawin ninyo ang tulad sa ibinilin ko sa mga taga-Galacia.

Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo ay maglagak ayon sa naging pagpapala niya. Ito ay upang sa pagdating ko ay wala nang paglilikom na gagawin. Kapag dumating ako, sinuman ang inyong payagan sa pamamagitan ng sulat ay aking isusugo saJerusalem upang dalhin ang inyong tulong. Kung nararapat din akong pumunta, kasama nila akong pupunta.

Sariling Kahilingan

Pupunta ako sa inyo kapag nakadaan na ako sa Macedonia sapagkat sa Macedonia ako dadaan.

Maaaring tumigil ako sa inyo o maging hanggang sa taglamig upang matulungan ninyo ako saan man ako pumaroon. Ito ay sapagkat hindi ko ibig na makita ko kayo ngayon sa aking pagdaan, ngunit umaasa akong makapanatili ng ilang panahon kasama ninyo, kung pahihin­tulutan ng Panginoon. Ngunit ako ay mananatili sa Efeso hanggang sa Pentecostes. Ito ay sapagkat isang malaki at mabisang daan ang binuksan sa akin doon at marami ang humahadlang.

10 Kapag dumating diyan si Timoteo, tiyakin ninyo na makakasama ninyo siya ng walang pagkatakot sapagkat gawain ng Panginoon ang kaniyang ginagawa, tulad ng ginagawa ko. 11 Kaya nga, huwag ninyo siyang hayaang hamakin ng sinuman, sa halip, tulungan ninyo siyang makahayo nang mapayapa upang makarating siya sa akin sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid.

12 Patungkol kay kapatid na Apollos, lubos kong ipina­manhik sa kaniya na pumunta sa inyo kasama ng mga kapatid. Hindi niya kaloobang pumunta sa panahong ito ngunit pupunta siya sa inyo kapag may pagkakataon siya.

13 Magbantay kayo, tumayo kayong matatag sa pananam­palataya, maging matapang kayo, magpakalakas kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay nang may pag-ibig.

15 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid. Kilala ninyo ang sambahayan ni Estefanas. Alam ninyo na ito ang unang bunga ng Acaya at itinalaga nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal. 16 Ipinamamanhik ko na magpa­sakop din kayo sa kanila at sa bawat isang gumagawa at nagpa­pagal na kasama namin. 17 Ako ay nagagalak sa pagdating nina Estefanas, Fortunato at Acaico dahil ang inyong kaku­langan ay pinunan nila. 18 Ito ay sapagkat napagpanibagong-sigla nila ang aking espiritu, at ang inyong espiritu kaya kilalanin nga ninyo sila.

Panghuling Pagbati

19 Binabati kayo ng iglesiya sa Asya. Lubos kayong bina­bati nina Aquila at Priscilla kasama ang iglesiya na nasa kanilang tahanan.

20 Ang lahat ng mga kapatid ay bumabati sa inyo. Magbatian kayo sa isa’t isa ng banal na halik.

21 Ito ang pagbati ko, akong si Pablo, sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

22 Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoong Jesucristo, sumpain siya. Maranatha![a]

23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesucristo.

24 Sumainyo ang aking pag-ibig sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Siya nawa!

Footnotes

  1. 1 Corinto 16:22 Maranatha, sa salitang Chaldea, ito ay nangangahulugang: Ang ating Panginoon ay dumating

16 Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.

Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:

At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.

Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;

Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon.

Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.

Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes;

Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.

10 Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

11 Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.

12 Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.

13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas.

14 Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal),

16 Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.

17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.

18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.

20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.

21 Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.

22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha.

23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

24 Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

О пожертвованиях для иерусалимской общины верующих

16 Теперь относительно сбора денег в помощь святому народу Всевышнего в Иерусалиме. Делайте то, что я повелел делать в общинах верующих Галатии. В первый день недели[a] пусть каждый из вас откладывает и сберегает столько денег, сколько позволяет вам ваш заработок, чтобы, когда я приду, уже не нужно было делать сборы. А когда я приду, то тех людей, кого вы выберете, я пошлю с рекомендательными письмами, чтобы они доставили собранное вами в Иерусалим. А если будет необходимо и мне пойти туда, то они пойдут со мной.

Планы путешествий

Я приду к вам, когда пройду Македонию, так как я иду через Македонию. Возможно, я пробуду у вас некоторое время, может быть, и всю зиму, и вы поможете мне в моём дальнейшем путешествии. Я решил не заходить к вам сейчас, так как это посещение было бы очень кратким. Надеюсь, что, если Вечный Повелитель позволит[b], мы проведём с вами больше времени. В Эфесе я пробуду до праздника Жатвы[c], так как здесь передо мной широко открыта дверь для успешного служения, хотя есть и много противников.

10 Если у вас будет Тиметей, позаботьтесь о том, чтобы ему нечего было опасаться у вас. Ведь он, как и я, совершает работу Повелителя. 11 Пусть никто не пренебрегает им. А потом помогите ему с миром отправиться в путь, чтобы он смог возвратиться ко мне. Я жду его и братьев.

12 Что же касается нашего брата Аполлоса, то я очень просил его прийти с братьями к вам. Он не хотел идти сейчас, но, когда будет возможно, он вас навестит.

13 Прошу вас, бодрствуйте! Будьте непоколебимы в вере! Будьте мужественны, будьте сильны. 14 Пусть всё у вас делается с любовью.

15 И ещё я прошу вас, братья: вы знаете, что Стефан и все живущие в его доме были первыми из уверовавших в Охоии[d]. Они посвятили себя служению святому народу Всевышнего, – 16 будьте покорны таким людям и всем, кто содействует и служит. 17 Я был очень рад, когда прибыли Стефан, Фортунат и Ахаик. Они восполнили для меня ваше отсутствие. 18 Они ободрили и меня, и вас. Цените таких людей.

Заключительные приветствия

19 Вам передают привет общины верующих в провинции Азия[e]. Акила и Прискилла тоже горячо приветствуют вас как брат и сестра по вере в Повелителя, привет и от всей общины, которая собирается в их доме. 20 Все братья здесь передают вам привет. Приветствуйте друг друга святым поцелуем.[f]

21 Я, Павлус, дописываю это приветствие своей рукой: 22 если кто-либо не любит Повелителя, на том да будет проклятие. О, приди, Повелитель!

23 Пусть благодать Повелителя Исо будет с вами.

24 Моя любовь со всеми вами, принадлежащими Исо Масеху. Аминь.

Footnotes

  1. 1 Кор 16:2 У иудеев неделя начиналась с воскресенья.
  2. 1 Кор 16:7 Если Вечный Повелитель позволит – см. сноску на 4:19.
  3. 1 Кор 16:8 Праздник Жатвы – иудейский праздник сбора урожая праздновался на пятидесятый день после праздника Освобождения, поэтому он также называется Пятидесятницей.
  4. 1 Кор 16:15 Охоия – римская провинция на юге Греции.
  5. 1 Кор 16:19 Здесь имеется в виду не материк, а римская провинция на западе Малой Азии (часть современной территории Турции), которая позднее дала своё название материку.
  6. 1 Кор 16:20 Поцелуем приветствовали и приветствуют доныне друг друга жители Ближнего Востока. Подобное можно наблюдать и в Центральной Азии.