1 Corinto 15:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
Read full chapter
1 Corinto 15:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo
15 Ngayon ay ipinapaalala ko sa inyo, mga kapatid, ang tungkol sa ebanghelyo[a] na ipinangaral ko sa inyo, na inyong tinanggap, na siya naman ninyong kinatatayuan. 2 Sa pamamagitan nito ay naliligtas kayo, kung panghahawakan ninyo itong mabuti. Kung hindi, kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan. 3 Sapagkat (A) ibinigay ko sa inyo bilang pangunahin sa lahat ang akin din namang tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa kasulatan,
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 15:1 o magandang balita.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
