Add parallel Print Page Options

Ang Pag-ibig

13 Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting. Kung may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. At kahit ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan. Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Dios. 10 Ngunit pagdating ng araw na magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.

11 Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata. 12 Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng pagkakaalam ng Dios sa atin.

13 Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

13 If I speak in the tongues[a](A) of men or of angels, but do not have love, I am only a resounding gong or a clanging cymbal. If I have the gift of prophecy(B) and can fathom all mysteries(C) and all knowledge,(D) and if I have a faith(E) that can move mountains,(F) but do not have love, I am nothing. If I give all I possess to the poor(G) and give over my body to hardship that I may boast,[b](H) but do not have love, I gain nothing.

Love is patient,(I) love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.(J) It does not dishonor others, it is not self-seeking,(K) it is not easily angered,(L) it keeps no record of wrongs.(M) Love does not delight in evil(N) but rejoices with the truth.(O) It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.(P)

Love never fails. But where there are prophecies,(Q) they will cease; where there are tongues,(R) they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away. For we know in part(S) and we prophesy in part, 10 but when completeness comes,(T) what is in part disappears. 11 When I was a child, I talked like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I put the ways of childhood(U) behind me. 12 For now we see only a reflection as in a mirror;(V) then we shall see face to face.(W) Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.(X)

13 And now these three remain: faith, hope and love.(Y) But the greatest of these is love.(Z)

Footnotes

  1. 1 Corinthians 13:1 Or languages
  2. 1 Corinthians 13:3 Some manuscripts body to the flames