Add parallel Print Page Options

12 Ngayong tungkol (A)sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.

Nalalaman ninyo (B)na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo (C)sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.

Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala (D)sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay (E)itinakwil; at wala (F)sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ngayo'y (G)may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't (H)iisang Espiritu.

At may (I)iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.

At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang (J)Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Datapuwa't sa bawa't isa (K)ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng (L)karunungan; at sa iba'y ang salita ng (M)kaalaman ayon din sa Espiritu:

Sa iba'y ang (N)pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang (O)mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (P)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (Q)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (R)pagpapaliwanag ng mga wika.

11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

12 Sapagka't (S)kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, (T)maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay (U)pinainom sa (V)isang Espiritu.

14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.

15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.

16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.

17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.

18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.

19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?

20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.

21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.

22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:

23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;

24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;

25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.

26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap (W)ay nangagagalak na kasama niya.

27 (X)Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga (Y)sangkap niya.

28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y (Z)mga apostol, ikalawa'y (AA)mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka (AB)mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, (AC)mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.

29 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?

30 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? (AD)nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?

31 Datapuwa't maningas ninyong (AE)nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Tungkol sa mga Kaloob na Espirituwal

12 Ngayon, mga kapatid, hindi ko nais na wala kayong alam tungkol sa mga kaloob na espirituwal.

Alam ninyo na nang kayo'y mga pagano pa, inakit at iniligaw kayo sa mga diyus-diyosan na hindi makapagsalita.

Kaya't nais kong maunawaan ninyo na walang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagsasabi, “Sumpain si Jesus!” at walang makapagsasabi, “Si Jesus ay Panginoon,” maliban sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

May(A) iba't ibang uri ng mga kaloob, subalit iisang Espiritu.

At may iba't ibang uri ng paglilingkod, subalit iisang Panginoon.

May iba't ibang uri ng gawain, subalit iisang Diyos na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Subalit sa bawat isa ay ibinigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan ng lahat.

Sa isa ay ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu ang salita ng karunungan, at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu,

sa iba'y pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at sa iba'y ang mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng isang Espiritu.

10 Sa iba'y ang paggawa ng mga himala, sa iba'y propesiya, sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu, sa iba'y ang iba't ibang wika, at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.

11 Ang lahat ng ito ay pinakilos ng iisa at gayunding Espiritu, na namamahagi sa bawat isa ayon sa pasiya ng Espiritu.

Iisang Katawan—Maraming Bahagi

12 Sapagkat(B) kung paanong ang katawan ay iisa at marami ang mga bahagi, at ang lahat ay bahagi ng katawan, bagama't marami ay iisang katawan, gayundin si Cristo.

13 Sapagkat sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat tungo sa isang katawan, maging Judio o Griyego, mga alipin o mga laya—at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

14 Sapagkat ang katawan ay hindi iisang bahagi, kundi marami.

15 Kung sasabihin ng paa, “Sapagkat hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan.” Hindi sa kadahilanang ito, ay hindi na ito bahagi ng katawan.

16 At kung sasabihin ng tainga, “Sapagkat hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan.” Hindi sa kadahilanang ito, ay hindi na ito bahagi ng katawan.

17 Kung ang buong katawan ay mata, saan naroroon ang pandinig? Kung ang lahat ay pandinig, saan naroroon ang pang-amoy.

18 Subalit ngayon ay inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan, ang bawat isa sa kanila ayon sa kanyang ipinasiya.

19 At kung ang lahat ay isang bahagi, saan naroroon ang katawan?

20 Subalit ngayon ay maraming mga bahagi ngunit iisa ang katawan.

21 Ang mata ay hindi makapagsasabi sa kamay, “Hindi kita kailangan,” at hindi rin makapagsasabi ang ulo sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.”

22 Sa halip, ang mga bahagi ng katawan na wari'y mahihina ay kailangan.

23 Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating walang kapurihan, ay pinagkakalooban natin ng higit na kapurihan, at ang mga kahiyahiyang bahagi natin ay siyang lalong pinararangalan,

24 na ito ay hindi kailangan ng mga bahagi nating higit na magaganda. Subalit binuo ng Diyos ang katawan at binigyan ng higit na kapurihan ang bahaging may kakulangan;

25 upang huwag magkaroon ng pagkakagulo sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng magkatulad na malasakit sa isa't isa.

26 Kapag ang isang bahagi ay naghihirap, lahat ay naghihirap na kasama niya; o kapag ang isang bahagi ay pinararangalan, sama-samang nagagalak ang mga bahagi.

27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa'y mga bahagi.

28 At(C) ang Diyos ay naglagay sa iglesya, una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga gumagawa ng himala, saka mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang uri ng wika.

29 Lahat ba'y mga apostol? Lahat ba'y mga propeta? Lahat ba'y mga guro? Lahat ba'y mga manggagawa ng mga himala?

30 Lahat ba'y may mga kaloob ng pagpapagaling? Lahat ba'y nagsasalita ng mga wika? Lahat ba'y nagpapaliwanag?

31 Subalit pagsikapan ninyong mithiin ang higit na dakilang mga kaloob. At ipapakita ko sa inyo ang isang daan na walang kahambing.

De andliga gåvorna

12 Bröder, jag vill inte att ni skall vara okunniga i fråga om de andliga tingen. Ni vet att när ni var hedningar, drogs ni oemotståndligt till de stumma avgudarna. Därför skall ni också veta att ingen som talar genom Guds Ande säger: "Förbannad är Jesus", och att ingen kan säga "Jesus är Herren"[a] annat än i kraft av den helige Ande.

Det finns olika slags nådegåvor, men Anden är densamme. Det finns olika slags tjänster, men Herren är densamme. Det finns olika slags kraftgärningar, men Gud är densamme, han som verkar allt i alla. Men hos var och en uppenbarar sig Anden så att det blir till nytta. Den ene får av Anden ord av vishet, den andre ord av kunskap genom samme Ande. En får tro genom samme Ande, en får gåvor att bota sjuka genom samme Ande, 10 en annan att utföra kraftgärningar. En får gåvan att profetera, en annan att skilja mellan andar. En får gåvan att tala olika slags tungomål, en annan att uttyda tungomål. 11 Men allt detta verkar en och samme Ande, som efter sin vilja fördelar sina gåvor åt var och en.

12 Ty liksom kroppen är en och har många lemmar, men kroppens alla lemmar - och de är många - utgör en kropp, så är det också med Kristus. 13 I en Ande har vi alla blivit döpta för att höra till en kropp, vare sig vi är judar eller greker, slavar eller fria, och alla har vi fått en och samme Ande utgjuten över oss. 14 Kroppen består ju inte av en enda lem utan av många. 15 Om foten sade: "Eftersom jag inte är hand, hör jag inte till kroppen", så hör den ändå till kroppen. 16 Och om örat sade: "Eftersom jag inte är öga, hör jag inte till kroppen", så hör det ändå till kroppen. 17 Om hela kroppen vore öga, hur skulle den då kunna höra? Om hela kroppen vore öra, hur skulle den då kunna känna lukt? 18 Men nu har Gud satt lemmarna i kroppen, var och en av dem som han har velat. 19 Om alltsammans vore en enda lem, var vore då kroppen? 20 Men nu är lemmarna många och kroppen en. 21 Ögat kan inte säga till handen: "Jag behöver dig inte", inte heller huvudet till fötterna: "Jag behöver er inte." 22 Nej, tvärtom är de av kroppens lemmar som vi anser svagast så mycket mer nödvändiga. 23 Och de lemmar i kroppen som vi anser värda mindre heder, klär vi med så mycket större heder, och dem som vi blygs för, skyler vi med så mycket större anständighet, 24 något som de andra inte behöver. Men Gud har fogat samman kroppen och gett den oansenligare lemmen större heder, 25 för att det inte skall uppstå splittring i kroppen, utan lemmarna ha samma omsorg om varandra. 26 Om en lem lider, så lider alla lemmarna med den. Och om en lem hedras, gläder sig alla lemmarna med den.

27 Men nu är ni Kristi kropp och var för sig lemmar. 28 Gud har i sin församling för det första satt några till apostlar, för det andra några till profeter, för det tredje några till lärare, vidare andra till att utföra kraftgärningar, andra till att få gåvor att bota sjuka, till att hjälpa, att styra och att tala olika slags tungomål. 29 Inte är väl alla apostlar? Inte är väl alla profeter? Inte är väl alla lärare? Inte utför väl alla kraftgärningar? 30 Inte har väl alla gåvor att bota sjuka? Inte talar väl alla tungomål? Inte kan väl alla uttyda? 31 Men sträva efter[b] de nådegåvor som är störst.

Och nu visar jag er en väg som vida överträffar alla andra:

Footnotes

  1. 1 Korinthierbrevet 12:3 Jesus är Herren Se not till Rom 10:9.
  2. 1 Korinthierbrevet 12:31 Men sträva efter Annan översättning: "Men ni strävar efter  . . . ".

Tungkol sa mga Kaloob na Espirituwal

12 Ngayon naman, mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang tungkol sa mga kaloob na espirituwal. Alam ninyo na noong mga pagano pa kayo, iniligaw kayo sa mga piping diyus-diyosan. Nais ko ngang maunawaan ninyo na walang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagsasabi, “Sumpain si Jesus!” at walang makapagsasabi, “Si Jesus ay Panginoon,” maliban sa patnubay ng Banal na Espiritu.

May (A) iba't ibang uri ng mga kaloob, ngunit mula sa iisang Espiritu. At may iba't ibang uri ng paglilingkod, ngunit mula sa iisang Panginoon. May iba't ibang uri ng gawain, ngunit mula sa iisang Diyos na gumagawa ng lahat ng bagay sa lahat. Ngunit ibinigay sa bawat isa ang kapahayagan ng Espiritu para sa kapakinabangan ng lahat. May binigyan ng salita ng karunungan sa pamamagitan ng Espiritu, at ang iba nama'y binigyan ng salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu; ang iba'y pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at ang iba'y mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng iisang Espiritu. 10 Ang iba'y binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, ang iba'y propesiya, ang iba'y kakayahang kumilala ng mga espiritu, ang iba'y kakayahang magsalita ng iba't ibang wika, at ang iba nama'y pagpapaliwanag ng mga wika. 11 Ngunit ang lahat ng ito ay pinakikilos ng iisa at parehong Espiritu, na namamahagi sa bawat isa ayon sa ninanais ng Espiritu.

Iisang Katawan, Maraming Bahagi

12 Sapagkat (B) kung paanong iisa ang katawan at marami ang mga bahagi, at ang lahat ng bahagi ng katawan, bagama't marami ay iisang katawan, gayundin naman kay Cristo. 13 Sapagkat sa pamamagitan ng iisang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat tungo sa iisang katawan, maging Judio o Griyego, alipin o malaya—at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. 14 Sapagkat ang katawan ay hindi binubuo ng iisang bahagi, kundi ng marami. 15 Kung sasabihin ng paa, “Sapagkat hindi ako kamay, hindi ako kabilang sa katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 At kung sasabihin ng tainga, “Sapagkat hindi ako mata, hindi ako kabilang sa katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung ang buong katawan ay mata, saan naroroon ang pandinig? Kung ang lahat ay pandinig, saan naroroon ang pang-amoy? 18 Inilagay ng Diyos ang mga bahagi ng katawan, ang bawat isa sa kanila ayon sa kanyang kagustuhan. 19 At kung ang lahat ay isang bahagi, nasaan pa ang katawan? 20 Maraming mga bahagi ngunit iisa ang katawan. 21 Ang mata ay hindi makapagsasabi sa kamay, “Hindi kita kailangan,” at hindi rin makapagsasabi ang ulo sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa halip, ang mga bahagi ng katawan na sa tingin natin ay mahihina ay silang kailangan. 23 Ang mga bahagi ng katawan na sa tingin natin ay walang karangalan, ay pinag-uukulan natin ng ibayong karangalan, at ang mga kahiya-hiyang bahagi natin ang lalong pinararangalan— 24 na hindi naman kailangan ng mga bahagi nating higit na magaganda. Subalit ang Diyos ang bumuo ng katawan sa paraang mabibigyan ng ibayong kapurihan ang bahaging may kakulangan. 25 Ito'y upang huwag magkaroon ng pagkakahati-hati sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng parehong pagmamalasakit sa isa't isa. 26 Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya; o kapag ang isang bahagi ay pinararangalan, sama-samang natutuwa ang mga bahagi.

27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at ang bawat isa'y bahagi nito. 28 At (C) ang Diyos ay naglagay sa iglesya, una, ng mga apostol, ikalawa, ng mga propeta, ikatlo, ng mga guro, at ng mga himala, at mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga kakayahan sa pamumuno, at iba't ibang uri ng wika. 29 Lahat ba'y mga apostol? Lahat ba'y mga propeta? Lahat ba'y mga guro? Lahat ba'y mga manggagawa ng mga himala? 30 Lahat ba'y may mga kaloob ng pagpapagaling? Lahat ba'y nagsasalita ng iba't ibang wika? Lahat ba'y nagpapaliwanag? 31 Ngunit pakamithiin ninyo ang mga mas dakilang kaloob.

At ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang walang kapantay na daan.