1 Corinto 10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
2 At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;
3 At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
4 At (D)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
5 Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (E)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.
6 Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (F)gaya naman nila na nagsipagnasa.
7 Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (G)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.
8 Ni huwag din naman tayong (H)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (I)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.
9 Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (J)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.
10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (K)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.
11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (L)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.
12 Kaya't (M)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.
13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (N)tapat ang Dios, (O)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.
14 Kaya, mga minamahal ko, (P)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.
15 Ako'y nagsasalitang tulad (Q)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.
16 Ang saro ng pagpapala (R)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?
17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (S)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.
18 Tingnan ninyo (T)ang Israel na ayon sa laman: (U)ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?
19 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? (V)o ang diosdiosan ay may kabuluhan?
20 Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain (W)ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.
21 Hindi ninyo maiinuman (X)ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.
22 O (Y)minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya?
23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; (Z)nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.
24 Huwag (AA)hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.
25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman (AB)dahilan sa budhi;
26 Sapagka't ang lupa ay (AC)sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.
27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.
28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, (AD)dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;
29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit (AE)hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?
30 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat,(AF)bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?
31 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, (AG)gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.
32 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, (AH)sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa (AI)iglesia man ng Dios:
33 Na gaya ko (AJ)din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y (AK)mangaligtas.
1 Corinto 10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
10 Mga (A) kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ating mga ninuno ay napasailalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat, 2 at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat. 3 Silang (B) lahat ay kumain ng parehong pagkaing espirituwal; 4 at (C) lahat ay uminom ng parehong inuming espirituwal. Sapagkat sila'y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Cristo. 5 Ngunit (D) hindi nasiyahan ang Diyos sa karamihan sa kanila, at sila'y pinuksa sa ilang. 6 Ang (E) mga bagay na ito'y nagsisilbing halimbawa sa atin, upang huwag tayong magnasa ng masasamang bagay katulad nila. 7 Huwag (F) kayong sumamba sa mga diyus-diyosan, tulad ng iba sa kanila. Ayon sa nasusulat, “Naupo ang taong-bayan upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw.” 8 Huwag (G) tayong makiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya't sa loob ng isang araw ay may dalawampu't tatlong libo ang namatay.[a] 9 Huwag (H) nating subukin si Cristo na gaya ng ginawang pagsubok ng ilan sa kanila, kaya't sila'y nilipol ng mga ahas. 10 Huwag (I) din tayong magreklamo, gaya ng iba na nagreklamo, at sila'y pinuksa ng taga puksa. 11 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang halimbawa, at isinulat bilang babala sa atin na inabutan ng katapusan ng mga panahon. 12 Kaya't ang nag-aakalang siya'y nakatayo ay mag-ingat na baka siya'y mabuwal. 13 Ang bawat tuksong nararanasan ninyo ay pawang karaniwan sa tao. Ngunit mapagkakatiwalaan ang Diyos, at hindi niya hahayaang kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip ng tukso ay magbibigay siya ng paraan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayanan.
14 Kaya, mga minamahal ko, layuan ninyo ang pagsamba sa diyus-diyosan. 15 Kinakausap ko kayo bilang matitinong tao; kayo na ang humatol sa sinasabi ko. 16 Ang (J) kopa ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito'y pakikibahagi sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputul-putol, hindi ba ito'y pakikibahagi sa katawan ni Cristo? 17 Sapagkat may isang tinapay at tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa iisang tinapay. 18 Tingnan (K) ninyo ang Israel ayon sa laman, hindi ba't ang mga kumakain ng mga alay ay kabahagi sa dambana? 19 Ano nga ang ibig kong sabihin? Na ang alay sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! (L) Sa halip, ang mga bagay na iniaalay ng mga pagano ay iniaalay nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos, at ayaw kong kayo'y maging kabahagi ng mga demonyo. 21 Hindi ninyo maaaring inuman ang kopa ng Panginoon at pati ang kopa ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo. 22 (M) Ibubunsod ba natin sa panibugho ang Panginoon? Mas malakas ba tayo kaysa kanya?
Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos
23 “Maaaring gawin (N) ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. “Maaaring gawin ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ay makapagpapatibay. 24 Huwag maghangad ang sinuman para sa kanyang sariling kapakanan kundi para sa kapakanan ng iba. 25 Kainin ninyo ang lahat ng ipinagbibili sa pamilihan nang walang pagtatanong dahil sa budhi, 26 sapagkat (O) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.” 27 Kung anyayahan kayo ng isa sa mga hindi sumasampalataya at nais ninyong pumunta, anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo nang walang pagtatanong dahil sa budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa inyo, “Inialay ito bilang handog sa templo,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahil sa budhi. 29 Ang tinutukoy ko ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo. Sapagkat bakit ang aking kalayaan ay hahatulan ng budhi ng iba? 30 Kung ako'y nakikisalo nang may pasasalamat sa Diyos, bakit ako'y pipintasan dahil sa bagay na aking ipinagpapasalamat? 31 Kaya kung kayo man ay kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos. 32 Huwag kayong maging sanhi ng gulo para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos, 33 katulad ng pagsisikap kong bigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa lahat ng bagay, at hindi ko hinahangad ang sarili kong kapakanan, kundi ang kapakanan ng marami, upang sila'y maligtas.
Footnotes
- 1 Corinto 10:8 Sa Griyego, nabuwal.
1 Corintios 10
Palabra de Dios para Todos
El mal ejemplo de Israel
10 Hermanos, quiero que recuerden que todos nuestros antepasados estuvieron bajo la nube[a] y que todos atravesaron el mar Rojo. 2 Fue como si todos hubieran sido bautizados en la nube y en el mar para ser seguidores de Moisés. 3 Todos comieron el mismo alimento espiritual, 4 y bebieron la misma bebida espiritual. Bebieron de la roca espiritual que iba con ellos, y la roca era Cristo. 5 Pero Dios no estaba contento con muchos de ellos, por eso sus cuerpos quedaron tendidos por el desierto.
6 Todo eso sucedió para servirnos de ejemplo, para que no deseemos lo malo, como ellos. 7 (A)No adoremos ídolos, como hicieron algunos de ellos. Así está escrito: «Todos se reunieron a comer y a beber y luego empezaron a parrandear».[b] 8 No cometamos inmoralidades sexuales, como hicieron muchos de ellos. En un solo día murieron 23 000 de ellos por culpa de esa inmoralidad. 9 No pongamos a prueba a Cristo[c] como lo hicieron algunos de ellos, quienes murieron víctimas de las serpientes. 10 No nos quejemos, como se quejaron algunos y por eso el ángel de la muerte los mató.
11 Todo eso sucedió para servirnos de ejemplo, y fue escrito como advertencia para nosotros que vivimos en los últimos tiempos. 12 Así que, el que se sienta muy seguro y firme, cuídese de no caer. 13 Ustedes sólo han tenido las mismas tentaciones que todos los demás. Pero Dios es fiel y no va a dejar que sean tentados más allá de lo que puedan soportar. Así que sepan que cuando sean tentados, van a poder soportar, porque Dios les dará una salida.
14 Por eso, estimados hermanos, ni se les ocurra adorar ídolos. 15 Les hablo como a gente con la que se puede razonar, juzguen ustedes mismos lo que les digo. 16 Ciertamente, beber de la copa de bendición[d] por la que damos gracias, ¿no es compartir la sangre de Cristo? Y comer del pan que partimos, ¿no es compartir el cuerpo de Cristo? 17 Existe un solo pan y nosotros somos muchos. Eso significa que cuando todos comemos y compartimos ese pan, formamos un solo cuerpo.
18 Fíjense en lo que ocurre cuando el pueblo de Israel ofrece sacrificios. Cuando comen la carne sacrificada en el altar, ¿acaso no la están compartiendo con Dios? 19 No estoy diciendo que los sacrificios a los ídolos tienen algún valor ni que los ídolos mismos lo tengan. 20 No, porque esos sacrificios se ofrecen a los demonios, no a Dios, y no quiero que ustedes compartan con los demonios. 21 Ustedes no pueden beber de la copa del Señor y, a la vez, de la copa de los demonios. No pueden compartir de la mesa del Señor y, a la vez, de la mesa de los demonios. 22 ¿Acaso queremos provocar los celos del Señor[e]? No somos más fuertes que él, ¿verdad?
Libres para dar gloria a Dios
23 Se dice: «Todo está permitido», pero no todo es bueno. «Todo está permitido», pero no todo es beneficioso. 24 Que nadie busque su provecho personal, sino el beneficio de los demás.
25 Coman cualquier carne que se venda en la carnicería, sin preguntar si se debe comer o no. 26 (B)Pues «la tierra, y todo lo que hay en ella, pertenece al Señor».[f]
27 Si alguien que no cree en Cristo los invita a comer y ustedes deciden ir, coman de todo lo que les den, sin preguntar si se debe comer o no. 28 Pero si alguien les dice: «Esta carne es una ofrenda para un ídolo», no coman nada, por el bien de quien se lo dijo, y por lo que pueda pensar. 29 No digo que ustedes piensen que no se debe hacer, sino que la otra persona supone que ustedes no deben hacer eso.
Pero alguno puede preguntar ¿por qué ha de ser juzgada mi propia libertad por lo que otra persona piense que está mal? 30 Si doy gracias por lo que como, ¿por qué se me ha de criticar por comer? 31 Porque lo importante es glorificar a Dios en todo, ya sea al comer, al beber o al hacer cualquier otra cosa. 32 No hagan nada que ofenda a los demás: ni a los judíos, ni a los que no son judíos[g], ni a los de la iglesia de Dios. 33 Más bien, hagan lo que hago yo: siempre trato de agradar a todos con lo que hago, no busco mis propios intereses, sino los de la mayoría, para que sean salvos.
Footnotes
- 10:1 nube Se refiere a la nube que guiaba a los israelitas al salir de Egipto, por el mar Rojo. Ver Éx 13:20-22; 14:19-20.
- 10:7 Cita de Éx 32:6.
- 10:9 Cristo Algunos manuscritos tienen Señor.
- 10:16 copa de bendición La copa de vino que los creyentes utilizan para dar gracias a Dios en la Cena del Señor.
- 10:22 provocar los celos del Señor Ver Dt 32:16-17.
- 10:26 Cita de Sal 24:1; 50:12; 89:11.
- 10:32 los que no son judíos Textualmente griegos. Ver Griego en el vocabulario.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
© 2005, 2015 Bible League International