1 Corinto 1:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Cristo ay totoo. 7 Kaya hindi kayo kinukulang sa anumang kaloob na espiritwal habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Pananatilihin niya kayong matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang kayoʼy maging walang kapintasan sa araw ng kanyang pagdating.
Read full chapter
1 Corinto 1:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Gaya ng pinagtibay sa inyo (A)ang patotoo ni Cristo:
7 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; (B)na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;
8 Na siya namang magpapatibay (C)sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan (D)sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.
Read full chapter
1 Corinto 1:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 kung paanong pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo. 7 Kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang espirituwal na kaloob habang inyong hinihintay na maipahayag ang ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Siya rin ang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang walang anumang maiparatang sa inyo sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Read full chapter
1 Corinthians 1:6-8
New International Version
6 God thus confirming our testimony(A) about Christ among you. 7 Therefore you do not lack any spiritual gift(B) as you eagerly wait for our Lord Jesus Christ to be revealed.(C) 8 He will also keep you firm to the end, so that you will be blameless(D) on the day of our Lord Jesus Christ.(E)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

