Add parallel Print Page Options

Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos

18 Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong napapahamak, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas. 19 Sapagkat(A) nasusulat,

“Sisirain ko ang karunungan ng marurunong
    at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan ng matatalino.”

20 Ano(B) ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang.

Read full chapter

Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos

18 Sapagkat ang mensahe ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit para sa ating mga naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos. 19 Sapagkat nasusulat,

“Ang karunungan ng marurunong ay aking wawasakin,
    at ang talino ng matatalino ay aking bibiguin.”

20 Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa sa batas? Nasaan ang magaling makipagtalo ng kapanahunang ito? Hindi ba't ginawa ng Diyos na kahangalan ang karunungan ng sanlibutan?

Read full chapter

18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (A)nangapapahamak; nguni't (B)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (C)nangaliligtas.

19 Sapagka't nasusulat,

(D)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.

20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (E)sa sanglibutang ito? hindi baga (F)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

Read full chapter