Add parallel Print Page Options

May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang (A)Nicodemo, isang (B)pinuno ng mga Judio:

Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't (C)walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (D)Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?

Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak (E)ng tubig at ng (F)Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

(G)Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.

Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.

Sumagot si Nicodemo at sa kaniya'y sinabi, (H)Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?

10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito?

Read full chapter

50 Sinabi sa kanila ni (A)Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),

51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, (B)malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?

52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.

53 Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay:

Read full chapter