22 “各位父老兄弟,请听我解释!” 在场的人听见保罗讲的是希伯来话,更加安静了。保罗说: “我是犹太人,生于基利迦的大数,在耶路撒冷长大,曾在迦玛列门下严格地按着我们祖先的律法接受教育,像你们今日一样热心事奉上帝。 我曾经把信奉这道的男女信徒抓进监狱,迫害他们,置他们于死地。 大祭司和众长老都可以为我作证。我还拿着他们写给大马士革的犹太人的信去拘捕那里的信徒,押回耶路撒冷受刑。

“当我快到大马士革的时候,大约中午时分,突然从天上有一道强光四面照着我。 我就扑倒在地,听见有声音对我说,‘扫罗!扫罗!你为什么迫害我?’ 我回答说,‘主啊,你是谁?’他说,‘我就是你迫害的拿撒勒人耶稣!’ 我的同伴虽然也看见那道强光,却听不懂那位说话者的声音。 10 接着我又问,‘主啊!我该怎么办?’主说,‘起来,到大马士革去,那里会有人将指派给你的事告诉你。’

11 “那道耀眼的光照得我双眼失明,于是同行的人拉着我的手,带我进了大马士革。 12 那里有一个严守律法的虔诚人名叫亚拿尼亚,深受当地所有犹太人的尊敬。 13 他来探望我,站在我身边说,‘扫罗弟兄,重见光明吧!’就在那一刻,我抬头看见了他。 14 他又说,‘我们祖先的上帝拣选了你,要你明白祂的旨意,又让你亲自看见那位公义者、听到祂的声音。 15 因为你将做祂的见证人,把所见所闻告诉万民。 16 现在你还等什么呢?起来求告祂的名,接受洗礼,洗净你的罪。’

17 “后来,我回到耶路撒冷,在圣殿里祷告的时候,进入异象, 18 看见主对我说,‘赶快离开耶路撒冷,因为这里的人不会接受你为我做的见证。’ 19 我说,‘主啊!他们都知道我从前搜遍各会堂,逮捕、毒打信你的人。 20 当你的见证人司提凡为你流血殉道时,我自己也站在旁边赞同杀他的人,还替他们保管衣服。’ 21 主却对我说,‘去吧!我要差遣你到遥远的外族人那里。’”

因罗马公民身份而免刑

22 众人一听到这里,就高喊:“从世上除掉这样的人!他不配活着!” 23 百姓咆哮着脱掉外衣,扬起尘土。 24 千夫长下令把保罗押回营房,预备鞭打拷问他,要查出众人向他咆哮的缘由。 25 他们把保罗绑起来正要鞭打,保罗问旁边的百夫长:“未经定罪就拷打罗马公民合法吗?”

26 百夫长一听,立刻去禀告千夫长说:“你看该怎么办?这人是罗马公民。”

27 千夫长就来问保罗:“告诉我,你是罗马公民吗?”

保罗说:“是的。”

28 千夫长说:“我花了很多钱才当上罗马公民!”

保罗说:“我生来就是。”

29 那些准备拷问保罗的士兵立刻退下了。千夫长也害怕起来,因为发现保罗是罗马公民,他却下令捆绑了保罗。

保罗在公会申辩

30 第二天,千夫长想知道保罗被犹太人指控的真相,就为保罗松了绑,并招聚了祭司长和全公会的人,然后将保罗带来,让他站在众人面前。

22 “Mga magulang at mga kapatid, pakinggan ninyo ang pagtatanggol na gagawin ko ngayon sa inyong harapan.” Nang marinig nilang siya'y nagsasalita sa wikang Hebreo, lalo pa silang tumahimik. Nagpatuloy si Pablo, “Ako'y (A) isang Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, ngunit pinalaki rito sa Jerusalem. Sa ilalim ng pagtuturo ni Gamaliel ay mahigpit akong sinanay ayon sa Kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa paglilingkod sa Diyos, tulad ninyong lahat ngayon. Pinag-usig ko (B) ang mga tagasunod ng Daang ito hanggang sila'y mapatay. Ipinagapos ko sila at ipinabilanggo, maging lalaki at babae. Ang Kataas-taasang Pari at ang buong kapulungan ng mga matatandang pinuno ng bayan ang makapagpapatotoo tungkol dito. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga kasamahan nila sa Damasco at nagpunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod ng Daang ito at ibalik sila sa Jerusalem upang parusahan.

Ang Salaysay ni Pablo ng Kanyang Pagbabagong-loob(C)

“Habang ako'y naglalakbay at papalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling-tapat ay biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Bumagsak ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’ Sumagot ako, ‘Sino po kayo, panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako'y si Jesus na taga-Nazareth na iyong inuusig.’ Nakita ng mga kasamahan ko noon ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig ng nagsalita sa akin. 10 Sinabi ko, ‘Ano po'ng gagawin ko, Panginoon?’ Tumugon siya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at sasabihin sa iyo doon ang lahat ng dapat mong gawin.’ 11 Hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya't inakay na lamang ako ng aking mga kasamahan patungong Damasco.

12 “Doon ay may lalaking ang pangalan ay Ananias. Masipag siya sa kabanalan, sumusunod sa kautusan, at iginagalang ng mga Judio na naninirahan doon. 13 Pinuntahan niya ako, tumayo sa aking tabi at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, tanggapin mong muli ang iyong paningin!’ Noon di'y bumalik ang aking paningin at nakita ko siya. 14 Pagkatapos ay sinabi ni Ananias sa akin, ‘Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Matuwid na Lingkod, at marinig ang kanyang tinig. 15 Sapagkat magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. 16 At ngayon, ano pa'ng hinihintay mo? Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabautismo, magpahugas ng iyong mga kasalanan.’

Isinugo si Pablo sa mga Hentil

17 “Pagbalik ko sa Jerusalem, habang ako'y nananalangin sa templo ay nagkaroon ako ng pangitain. 18 Nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis agad sa Jerusalem, sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo tungkol sa akin.’ 19 At aking sinabi, ‘Panginoon, sila mismo ang nakaaalam na sa bawat sinagoga ay ibinilanggo ko at hinampas ang mga sumampalataya sa iyo. 20 Nang (D) patayin si Esteban na iyong saksi, ako mismo ay nakatayo sa malapit at sumang-ayon pa sa ginawa nila. Ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’ 21 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo, sa mga Hentil.’ ”

Si Pablo at ang Opisyal na Romano

22 Pinakinggan siya ng mga tao hanggang sa sandaling ito. Ngunit pagkatapos ay sumigaw sila, “Alisin sa mundo ang ganyang uri ng tao! Hindi siya dapat mabuhay!” 23 Habang nagpapatuloy sila sa pagsisigawan, sa paghahagis ng kanilang mga damit, at pagsasabog ng alikabok sa hangin, 24 ipinag-utos ng kapitan na ipasok si Pablo sa himpilan at ipahagupit habang sinisiyasat upang malaman niya kung bakit ganoon na lamang ang sigawan ng mga tao laban sa kanya. 25 Ngunit nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling-balat, sinabi ni Pablo sa senturyong nakatayo sa malapit, “Ayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang mamamayang Romano, kahit wala pang hatol ang hukuman?” 26 Nang marinig iyon ng senturyon, pumunta siya sa kapitan at sinabi, “Paano ito? Ang taong ito ay mamamayang Romano!” 27 Lumapit ang kapitan at tinanong si Pablo, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba'y mamamayang Romano?” At sinabi niya, “Opo.” 28 Sumagot ang kapitan, “Malaki ang nagastos ko upang maging mamamayang Romano.” Sumagot si Pablo, “Ngunit ako'y isinilang na mamamayang Romano.” 29 Kaya't agad na lumayo sa kanya ang mga magsisiyasat sa kanya. Natakot din ang kapitan sapagkat ipinagapos niya si Pablo, gayong ito pala ay isang Romano.

Si Pablo sa Harap ng Sanhedrin

30 Kinabukasan, dahil nais matiyak ng pinuno ang tunay na dahilan kung bakit isinakdal ng mga Judio si Pablo, iniutos niya sa mga punong pari at sa buong Sanhedrin na magpulong ang mga ito. Pinawalan naman niya si Pablo, pinababa at iniharap sa kanila.

Paul’s defense before his accusers

22 “Brothers and fathers, listen now to my defense.” When they heard him address them in Aramaic, they became even more quiet. Paul continued, “I’m a Jew, born in Tarsus in Cilicia but raised in this city. Under Gamaliel’s instruction, I was trained in the strict interpretation of our ancestral Law. I am passionately loyal to God, just like you who are gathered here today. I harassed those who followed this Way to their death, arresting and delivering both men and women into prison. The high priest and the whole Jerusalem Council can testify about me. I received letters from them, addressed to our associates in Damascus, then went there to bring those who were arrested to Jerusalem so they could be punished.

“During that journey, about noon, as I approached Damascus, suddenly a bright light from heaven encircled me. I fell to the ground and heard a voice asking me, ‘Saul, Saul, why are you harassing me?’ I answered, ‘Who are you, Lord?’ ‘I am Jesus the Nazarene, whom you are harassing,’ he replied. My traveling companions saw the light, but they didn’t hear the voice of the one who spoke to me. 10 I asked, ‘What should I do, Lord?’ ‘Get up,’ the Lord replied, ‘and go into Damascus. There you will be told everything you have been appointed to do.’ 11 I couldn’t see because of the brightness of that light, so my companions led me by the hand into Damascus.

12 “There was a certain man named Ananias. According to the standards of the Law, he was a pious man who enjoyed the respect of all the Jews living there. 13 He came and stood beside me. ‘Brother Saul, receive your sight!’ he said. Instantly, I regained my sight and I could see him. 14 He said, ‘The God of our ancestors has selected you to know his will, to see the righteous one, and to hear his voice. 15 You will be his witness to everyone concerning what you have seen and heard. 16 What are you waiting for? Get up, be baptized, and wash away your sins as you call on his name.’

17 “When I returned to Jerusalem and was praying in the temple, I had a visionary experience. 18 I saw the Lord speaking to me. ‘Hurry!’ he said. ‘Leave Jerusalem at once because they won’t accept your testimony about me.’ 19 I responded, ‘Lord, these people know I used to go from one synagogue to the next, beating those who believe in you and throwing them into prison. 20 When Stephen your witness was being killed, I stood there giving my approval, even watching the clothes that belonged to those who were killing him.’ 21 Then the Lord said to me, ‘Go! I will send you far away to the Gentiles.’”

22 The crowd listened to Paul until he said this. Then they shouted, “Away with this man! He’s not fit to live!” 23 As they were screaming, throwing off their garments, and flinging dust into the air, 24 the commander directed that Paul be taken into the military headquarters. He ordered that Paul be questioned under the whip so that he could find out why they were shouting at him like this.

25 As they were stretching him out and tying him down with straps, Paul said to the centurion standing there, “Can you legally whip a Roman citizen who hasn’t been found guilty in court?”

26 When the centurion heard this, he went to the commander and reported it. He asked, “What are you about to do? This man is a Roman citizen!”

27 The commander went to Paul and demanded, “Tell me! Are you a Roman citizen?”

He said, “Yes.”

28 The commander replied, “It cost me a lot of money to buy my citizenship.”

Paul said, “I’m a citizen by birth.” 29 At once those who were about to examine him stepped away. The commander was alarmed when he realized he had bound a Roman citizen.

Paul appears before the Jewish council

30 The commander still wanted to know the truth about why Paul was being accused by the Jews. Therefore, the next day he ordered the chief priests and the entire Jerusalem Council to assemble. Then he took Paul out of prison and had him stand before them.