Add parallel Print Page Options

耶路撒冷的會議

15 有幾個人從猶太下來,教導弟兄們說:“你們若不照摩西的規例受割禮,就不能得救。” 保羅和巴拿巴,與他們大大地爭執辯論起來。大家就派保羅、巴拿巴和他們中間的幾個人,為這個問題上耶路撒冷去見使徒和長老。 於是教會給他們送行,他們就經過腓尼基、撒瑪利亞,述說外族人怎樣歸主的事,使弟兄們大大喜樂。 到了耶路撒冷,他們受到教會、使徒和長老的接待,就報告 神同他們一起所行的一切。 然而有幾個法利賽派的信徒站起來,說:“我們必須給外族人行割禮,吩咐他們遵守摩西的律法。”

使徒和長老聚集在一起,商議這件事。 經過了很多的辯論,彼得站起來對他們說:“弟兄們,你們知道,前些時候 神在你們中間揀選了我,使外族人從我的口中聽見福音的道,而且信了。 知道人心的 神也為他們作證─賜聖靈給他們,像給我們一樣; 而且他待他們和我們沒有分別,因為藉著信,他潔淨了他們的心。 10 現在你們為甚麼試探 神,把我們祖先和我們所不能負的軛,放在門徒的頸上呢? 11 我們相信,我們得救是藉著主耶穌的恩,和他們也是一樣。”

12 大家都靜默無聲,聽巴拿巴和保羅述說 神藉著他們在外族人中所行的神蹟奇事。 13 他們講完了,雅各說:“弟兄們,請聽我說! 14 剛才西門述說 神當初怎樣關懷外族人,從他們中間揀選了眾人,歸在自己的名下。 15 眾先知的話,也符合這個意思,正如經上所記:

16 ‘此後我要回來,

重建大衛倒塌了的帳幕,

重建它損壞之處,

把它重新豎立起來,

17 使餘下的人,

就是所有稱為我名下的外族人,都尋求主,

18 這是自古以來就顯明了這些事的主所說的。’

19 “所以我認為不可難為這些歸服 神的外族人, 20 只要寫信叫他們禁戒偶像的污穢、淫亂,勒死的牲畜和血。 21 因為自古以來,在各城裡都有人宣講摩西的書,每逢安息日,在各會堂裡都有人誦讀。”

會議的決定

22 當時,使徒、長老和全教會都認為好,就從他們中間選出人來,差他們和保羅、巴拿巴一同到安提阿去,所選的就是別號巴撒巴的猶大和西拉,他們是弟兄中的領袖。 23 於是寫信給他們帶去,信上說:“使徒和作長老的弟兄們,向安提阿、敘利亞、基利家的外族眾弟兄問安。 24 我們聽說有人從我們這裡出去,說了一些話攪擾你們,使你們心裡不安,其實我們並沒有吩咐他們。 25 因此,我們一致同意,選派一些人跟我們親愛的巴拿巴和保羅去見你們, 26 這兩個人為了我們主耶穌基督的名,曾經把性命置之度外。 27 我們派了猶大和西拉一同去,他們也會親口述說這些事。 28 聖靈和我們都同意,不把別的重擔加在你們身上,然而有幾件事是重要的, 29 就是禁戒祭過偶像的食物、血、勒死的牲畜和淫亂。這些事你們若能保守自己不作,那就好了。祝你們平安!”

30 他們受了差派,下安提阿去,集合了眾人,就把書信交上。 31 眾人讀了,因信上的勸勉,就感到欣慰。 32 猶大和西拉也是先知,說了許多話勸勉弟兄,堅固他們。 33 住了一段時間,弟兄們就給他們送行,祝一路平安;他們就回到差派他們的人那裡去。(有些抄本在此有第34節:“但西拉認為自己應當在那裡住下來,只有猶大回到耶路撒冷。”) 35 保羅和巴拿巴卻住在安提阿,跟許多別的人一同教導,傳講主的道。

第二次宣教旅程

36 過了一些時候,保羅對巴拿巴說:“我們要回到我們傳過主道的各城,探望弟兄們,好知道他們的情形怎麼樣。” 37 巴拿巴有意要帶別號馬可的約翰一同去, 38 但保羅認為不應帶他去,因為他從前在旁非利亞離開過他們,不跟他們一起去作工。 39 他們各持己見,以致彼此分手。巴拿巴帶著馬可,坐船到塞浦路斯去; 40 保羅卻選了西拉,眾弟兄把他交託在主的恩典中之後,他就出發了。 41 他走遍了敘利亞、基利家,堅固眾教會。

Ang Pagpupulong sa Jerusalem

15 May (A) ilang taong dumating sa Antioquia mula sa Judea na nagtuturo ng ganito sa mga kapatid, “Malibang kayo'y tuliin ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Mahigpit na nakipagtalo sina Pablo at Bernabe sa kanila tungkol dito. At dahil naging mainit ang kanilang salungatan, sina Pablo at Bernabe, kasama ang iba pa, ay inatasang pumunta sa Jerusalem upang isangguni ang suliraning ito sa mga apostol at sa matatandang tagapamahala ng iglesya. Sinugo nga sila ng iglesya. Sa kanilang pagdaan sa Fenicia at Samaria, iniulat nila ang pagbabalik-loob ng mga Hentil, na nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. Subalit tumindig ang ilang kaanib sa pangkat ng mga Fariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sundin ang Kautusan ni Moises.” Nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang pag-usapan ang bagay na ito. Pagkatapos (B) ng maraming talakayan, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga kapatid, nalalaman ninyo na noon ay hinirang ako ng Diyos mula sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking pangangaral ay mapakinggan ng mga Hentil ang Magandang Balita, at sila'y sumampalataya. At (C) ang Diyos na nakaaalam ng puso ng tao ay nagpatunay sa kanila nang pagkalooban sila ng Banal na Espiritu tulad ng nangyari sa atin. Walang pagtatangi na ginawa ang Diyos sa atin at sa kanila; sa halip, nilinis din niya ang kanilang mga puso nang sila'y sumampalataya. 10 Kaya ngayon, bakit ninyo sinusubok ang Diyos at iniaatang sa mga alagad ang mga pasaning kahit tayo o ang ating mga ninuno'y hindi nakayang pasanin? 11 Sumasampalataya tayo na tayo'y maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Jesus, gayundin sila.” 12 Tumahimik ang buong kapulungan at pinakinggan ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga himala at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila. 13 Pagkatapos nila, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, pakinggan ninyo ako. 14 Ipinaliwanag na ni Simon[a] kung paanong unang dinalaw ng Diyos ang mga Hentil, upang sila rin ay maging bayan para sa kanyang pangalan. 15 Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, tulad ng nasusulat,

16 ‘Pagkatapos (D) ng mga ito, ako'y babalik,
at muli kong itatayo ang bumagsak na tolda ni David;
    muli ko itong ibabangon mula sa pagkaguho,
17 upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon,
    at ng lahat ng mga Hentil na tinatawag sa aking pangalan,
    sabi ng Panginoon na gumawa ng mga ito,
18 na nagpakilala mula noong una.’

19 Kaya't ako'y humahatol na huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na nagbabalik-loob sa Diyos. 20 Sa (E) halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing pinarumi dahil ihinandog sa diyus-diyosan, huwag makiapid, at huwag kumain ng dugo at ng hayop na binigti. 21 Sapagkat noong araw pa ay ipinangangaral na ang Kautusan ni Moises sa bawat lungsod at binabasa sa mga sinagoga tuwing Sabbath.”

Ang Sulat sa mga Mananampalatayang Hentil

22 Nang magkagayo'y minabuti ng mga apostol at ng matatandang tagapamahala, at ng buong iglesya, na pumili ng mga lalaki mula sa kanilang hanay at isugo sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Isinugo nila si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas, mga lalaking iginagalang ng mga kapatid. 23 Sa pamamagitan nila'y ipinadala ang liham na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol, mga matatanda, at mga kapatid ay bumabati sa mga kapatid na Hentil na nasa Antioquia, Syria at Cilicia. 24 Yamang nabalitaan namin na ginugulo kayo ng ilang tao na galing dito, kahit hindi namin sila inutusan, 25 napagkasunduan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating mga minamahal na sina Bernabe at Pablo, 26 mga taong nagsuong sa panganib ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 27 Isinugo namin sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nilalaman ng liham na ito. 28 Minabuti ng Banal na Espiritu at minabuti rin naming huwag na kayong bigyan ng mabigat na pasanin maliban sa mga ito na talagang kailangan: 29 Huwag kayong kakain ng anumang ihinandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo, at ng mga binigting hayop. Huwag kayong makikiapid. Iwasan ninyo ang mga bagay na ito at mapapabuti kayo. Paalam.”

30 Pinaalis ang mga sugo at pumunta ang mga ito sa Antioquia. Nang matipon na nila ang kapulungan ay kanilang ibinigay ang sulat. 31 Pagkabasa nila nito, sila ay nagalak sa kanilang narinig. 32 Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay marami pang sinabi na nagpalakas ng loob at nagpatatag sa mga kapatid. 33 Pagkatapos na manatili roon ng ilang panahon, sila'y payapang pinabalik ng mga kapatid sa mga nagsugo sa kanila. 34 [Ngunit minabuti ni Silas ang manatili roon.][b] 35 Nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia, at kasama ng marami pang iba, ay nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon.

Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe

36 Makaraan ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa bawat lungsod na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” 37 Nais ni Bernabe na kanilang isama si Juan, na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit (F) iginiit ni Pablo na huwag itong isama, sapagkat humiwalay ito noon at mula sa Pamfilia ay hindi na sumama sa kanilang gawain. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa kanilang paghihiwalay. Isinama ni Bernabe si Marcos, at naglayag patungong Cyprus. 40 Pinili naman ni Pablo si Silas, at sila'y umalis matapos ipagtagubilin ng mga kapatid sa pag-iingat ng Panginoon. 41 Naglakbay siya sa Syria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya.

Footnotes

  1. Mga Gawa 15:14 Simon: Sa Griyego, Simeon.
  2. Mga Gawa 15:34 Wala ang talatang ito sa mga mas naunang manuskrito.