Add parallel Print Page Options

Huwag ninyong hayaan na kayo ay madaya ng sinuman sa anumang paraan sapagkat ang araw na iyon ay hindi darating malibang mangyari muna ang pagtalikod sa pananampalataya at mahayag ang tao ng kasalanan, ang anak ng paglipol. Siya ay sasalungat sa Diyos at itinataas ang kaniyang sarili nang higit sa kanilang lahat na tinatawag na Diyos o sa anumang sinasamba. Sa gayon, siya ay papasok sa banal na dako ng Diyos at uupo bilang Diyos. Ipinahahayag niya ang kaniyang sarili na siya ang Diyos.

Read full chapter

Huwag kayong padaya kaninuman sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw na iyon hanggang hindi pa nangyayari ang paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng suwail, na nakatakda naman sa kapahamakan. Lalabanan niya ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao, at itataas niya ang sarili sa lahat ng ito. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.

Read full chapter