At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
Aking aalisin ang karwahe mula sa Efraim, at ang kabayo mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pandigma ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa; ang kanyang nasasakupan ay magiging mula sa kabilang dagat hanggang sa dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.
At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
Ipaaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda. Babaliin ang mga panang ginagamit sa pandigma. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo.”
“Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim, gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem. Panudla ng mga mandirigma ay mawawala, pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa. Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila, mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”