Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
Aking makikita siya, ngunit hindi ngayon; aking pagmamasdan siya, ngunit hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang setro na lilitaw sa Israel, at dudurugin ang noo ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
“May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap, mamamahala ang isang hari sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set.
Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin.