Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
Ngayo'y nalalaman ko na tutulungan ng Panginoon ang kanyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kanyang banal na langit na may makapangyarihang pagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay.
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
Ngayon ay alam kong ang Dios ang nagbibigay ng tagumpay sa haring kanyang hinirang, at sinasagot niya mula sa banal na langit ang kanyang dalangin, at lagi niyang pinagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan.
Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan.