Siya'y umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
Ang anak na babae ng Dibon ay umahon sa matataas na dako upang umiyak; tinatangisan ng Moab ang Nebo at Medeba. Ang lahat ng ulo ay kalbo, bawat balbas ay ahit.
Siya'y umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
Umahon ang mga taga-Dibon sa kanilang templo at sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar para umiyak. Iniiyakan ng mga taga-Moab ang Nebo at Medeba. Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalbo at nagpaahit ng mga balbas upang ipakita ang kanilang kalungkutan.
Umahon sa mga templo ang mga taga-Dibon, upang sa mga burol sila ay manangis; iniiyakan ng Moab ang Nebo at Medeba. Bawat isa sa kanila'y nagpakalbo at nag-ahit ng balbas dahil sa pagdadalamhati.