At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
Kanyang hahatulan ang mga bansa, at magpapasiya para sa maraming tao; at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o matututo pa ng pakikipagdigma.
At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
At sa pamamagitan ng mga kautusan niya, pagkakasunduin niya ang maraming bansa. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.
Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay.