At kaniyang sinabi, Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
Kanyang sinabi, “O taong pinakamamahal, huwag kang matakot; kapayapaan ang sumaiyo. Magpakalakas ka at magpakatapang.” Nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas at nagsabi, “Magsalita ang aking panginoon, sapagkat pinalakas mo ako.”
At kaniyang sinabi, Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Dios, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy nʼyo po ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.”
Sinabi niya sa akin, “Ikaw na labis na minamahal, huwag kang matakot. Ipanatag mo ang iyong kalooban at magpakatapang ka.” Pagkatapos niyang magsalita, tuluyan nang nagbalik ang aking lakas. Sinabi ko, “Magpatuloy kayo, ginoo, at naibalik na ninyo ang aking lakas.”