Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, Sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y maitim, sapagkat sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay galit sa akin, ginawa nila akong tagapangalaga ng mga ubasan; ngunit ang sarili kong ubasan ay hindi ko nabantayan.
Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Huwag ninyo akong hamakin dahil sa kulay ng aking balat. Maitim nga pagkat nabibilad sa init ng araw. Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki, at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila. Dahil ditoʼy napabayaan ko ang sarili ko.
Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay, pagkat itong aking balat ay nasunog lang sa araw. Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan, nagkaisa silang ako'y pagbantayin ng ubasan. Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman, anupa't ang sarili ay kusa kong napabayaan.