Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 11:2-16

Mga kapatid, pinupuri ko kayo na sa lahat ng mga bagay ay naalala ninyo ako. Sinusunod din ninyo ang mga kaugalian ayon sa pagkakatagubilin ko sa inyo.

Ibig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Cristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Cristo ay ang Diyos. Ang bawat lalaking nanana­langin o naghahayag nang may takip ang ulo, ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo. Ang bawat babaeng nananalangin at naghahayag nang walang panakip ng ulo aynagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo. Ang walang panakip ng ulo ng babae ay tulad na rin ng inahitan ng buhok. Ito ay sapagkat kung ang babae ay walang panakip ng ulo, magpagupit na rin siya. Ngunit kung kahihiyan para sa babae ang siya ay magpagupit o magpaahit, maglagay na lang siya ng panakip ng ulo. Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi na dapat magtakip ng ulo dahil ito ang wangis at kaluwalhatian ng Diyos. Ang babae ay ang kaluwalhatian ng lalaki. Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi nagmula sa babae. Ang babae ang siyang nagmula sa lalaki. Ito ay sapagkat ang lalaki ay hindi nilikha para sa babae kundi ang babae aynilikha para sa lalaki. 10 Dahil dito ang babae ay kailangan ding magkaroon ng kapangyarihan sa kaniyang ulo alang-alang sa mga anghel.

11 Magkagayunman, sa Panginoon ang lalaki ay hindi hiwalay sa babae at ang babae ay hindi hiwalay sa lalaki. 12 Ito ay sapagkat ang babae ay nagmula sa lalaki, gayundin naman ang lalaki ay ipinanganganak ng babae. Ngunit ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos. 13 Kayo ang humatol. Nararapat ba sa isang babae ang manalangin sa Diyos nang walang lambong? 14 Hindi ba ang kalikasan na rin ang nagturo na kapag mahaba ang buhok ng lalaki, iyon ay kasiraang dangal sa kaniya? 15 Ngunit sa babae, kung mahaba ang buhok niya, iyon ay kaluwalhatian sa kaniya sapagkat ang mahabang buhok ay ibinigay sa kaniya bilang panakip. 16 Kung may nagnanais makipagtalo patungkol sa bagay na ito, wala na kaming ibang kaugalian, maging ang mga iglesiya ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International