Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Nagbago ng Balak si Pablo
12 Ito ang aming ipinagmamalaki at ito ang patotoo ng aming mga budhi sapagkat namuhay kami sa sanlibutang ito na sumasagana para sa inyo nang may dalisay na layunin at may katapatan sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng karunungang pantao kundi sa biyaya ng Diyos.
13 Wala na kaming ibang isinulat sa inyo maliban sa mga nabasa ninyo at kinilala at umaasa ako na hanggang sa wakas ay inyong kikilalanin. 14 Ayon sa pagkilala ninyo sa amin ng bahagya, na kami ay inyong ipinagmamalaki, gayundin naman kayo sa amin sa araw ng Panginoong Jesus.
15 At sa pagtitiwalang ito naging layunin kong pumunta sa inyo noong una upang magkaroon kayo ng ikalawang kapakinabangan. 16 Binalak ko rin na dumaan sa inyo sa aking pagpunta sa Macedonia at muling dumaan sa inyo pagkagaling sa Macedonia. At sa pamamagitan ninyo ako ay makapaghanda sa paglalakbay patungong Judea. 17 Kaya nga, sa layuning ito, hindi ko ba ito pinag-isipang mabuti? Ang layunin ko bang ito ay layunin ng tao, upang ang aking oo ay maging oo, at ang aking hindi ay hindi?
18 Ang Diyos ay tapat upang ang aming salita sa inyo ay hindi maging oo at hindi. 19 Ang Anak nga ng Diyos na si Jesucristo ay aming ipinangaral sa inyo, ako, kasama sina Silas at Timoteo. Hindi namin siya ipinangaral na oo at hindi kundi siya ay laging oo.
Copyright © 1998 by Bibles International