Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Mga Tagapangasiwa at Mga Diyakono
3 Ang pananalitang ito ay mapagkakatiwalaan. Kung ninanais ng sinuman ang gawain ng isang tagapangasiwa, nagnanais siya ng isang magandang gawain.
2 Ang tagapangasiwa ay dapat na walang maipupula, iisa lang ang asawa, mapagpigil, ginagamit nang maayos ang pag-iisip, may magandang asal, bukas ang tahanan sa mga panauhin at makakapagturo. 3 Siya ay hindi dapat na manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan, subalit mahinahon at mapayapa at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat na pinamamahalaan niya nang mabuti ang kaniyang sariling tahanan, na ang kaniyang mga anak ay nagpapasakop na may karapat-dapat na ugali. 5 Kapag ang isang lalaki ay hindi marunong mamahala ng kaniyang sariling sambahayan, papaano niya mapangangalagaan ang iglesiya ng Diyos? 6 Hindi siya dapat baguhang mananampalataya, at baka kung siya ay magmayabang ay mahulog sa hatol ng Diyos na inihatol niyasa diyablo. 7 Dapat na may mabuti siyang patotoo sa mgataga-labas. Kung wala siya nito, baka siya ay mahulog sa pangungutya at sa bitag ng diyablo.
8 Gayundin naman, ang mga diyakono ay dapat na may karapat-dapat na pag-uugali. Hindi madaya, hindi nagpapairal sa alak, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan. 9 Dapat na manangan sila sa hiwaga ng pananampalataya na taglay ang isang malinis na budhi.
Copyright © 1998 by Bibles International