Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 11:1-2

Ang mga Nalabing Maliliit na Pangkat ng Israel

11 Kaya nga, sinasabi ko: Tinanggihan ba ng Diyos ang kaniyang mga tao? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat ako rin ay isang taga-Israel, mula sa lahi ni Abraham, mula sa angkan ni Benjamin.

Hindi tinanggihan ng Diyos ang mga taong kilala na niya nang una pa. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan, sa salaysay patungkol kay Elias, kung papaanong siya ay namagitan sa Diyos laban sa mga taga-Israel?

Roma 11:29-32

29 Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago. 30 Sinuway ninyo ang Diyos noong nakaraang panahon. Sa ngayon ang Diyos ay nagpakita ng habag sa inyo sa pamamagitanng kanilang pagsuway. 31 Sa gayunding paraan, sila ngayon ay naging masuwayin upang kayo ay kahabagan. Ito ay upang magpapakita rin siya ng habag sa kanila sa pamamagitan ninyo. 32 Upang maipakita ng Diyos ang kaniyang habag sa lahat, ibinilanggo niya sila dahil sa pagsuway.

Mateo 15:10-20

10 Tinawag niya ang napakaraming tao. Sinabi niya sa kanila: Pakinggan ninyo ako at unawain. 11 Ang nakakapagparumi sa isang tao ay hindi ang pumapasok sa bibig kundi ang lumalabas sa bibig. Ito ang nagpaparumi sa isang tao.

12 Nang magkagayon, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kaniya: Alam mo bang natisod ang mga Fariseo pagkarinig nila ng mga pananalitang ito?

13 Ngunit sumagot siya sa kanila: Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. 14 Pabayaan ninyo sila. Sila ay mga bulag na umaakay sa mga bulag. Kapag ang bulag ang aakay sa bulag, kapwa silang mahuhulog sa hukay.

15 Nang magkagayon, sinabi ni Pedro sa kaniya: Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang ito.

16 Sinabi ni Jesus: Wala pa rin ba kayong pang-unawa? 17 Hindi pa ba ninyo alam na ang anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan? Pagkatapos, hindi ba idinudumi ito sa palikuran? 18 Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Ang mga ito ang nagpaparumi sa tao. 19 Ito ay sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang pag-iisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, ang pakikiapid, mga pagnanakaw, mga walang katotohanang pagsaksi at mga pamumusong. 20 Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa isang tao. Ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain ay hindi nagpaparumi sa isang tao.

Mateo 15:21-28

Ang Pananampalataya ng Isang Taga-Canaan

21 Pagkaalis ni Jesus sa lugar na iyon, pumunta siya sa mga lupain ng Tiro at Sidon.

22 Narito, may babaeng taga-Canaan na nakatira sa lupain ding iyon ang lumabas at sumisigaw sa kaniya na sinasabi: O, Panginoon, ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin. Ang aking anak na babae ay labis na pinahihirapan ng demonyo.

23 Ngunit hindi niya siya tinugon ng kahit isang salita.Nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at pinakiusapan na sinasabi: Paalisin mo siya sapagkat sigaw siya nang sigaw habang sumusunod sa atin.

24 Sinabi niya: Sinugo lamang ako para sa mga naliligaw na tupa sa sambahayan ng Israel.

25 Ngunit lumapit siya sa kaniya at kaniya siyang sinamba na sinasabi: Panginoon, tulungan mo ako!

26 Ngunit sumagot siya: Hindi nararapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon ito sa mga aso.

27 Sinabi ng babae: Totoo, Panginoon. Ang mga aso man ay kumakain ng mga mumong nalalaglag mula sa hapag kainan ng kanilang mga panginoon.

28 Nang magkagayon sinabi ni Jesus sa kaniya: O, babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ang ayon sa ibig mo. Mula sa oras ding iyon, gumaling ang kaniyang anak.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International