Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Efeso
2 Isulat mo sa anghel ng iglesiya sa Efeso:
Ako na may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na lumalakad sa gitna ng pitong ginintuang lagayan ng ilawan, ang nagsasabi ng mga bagay na ito:
2 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, ang iyong pagpapagal at ang iyong pagtitiis. Nalalaman kong hindi mo matanggap ang mga masasama. Sinubok mo ang mga nagpapanggap na mga apostol at napagkilala ngunit hindi naman. Natuklasan mong sila ay mga sinungaling. 3 Ikaw ay nagpatuloy at nagtiis. Alang-alang sa aking pangalan ay nagpagal ka at hindi nanlupaypay.
4 Ngunit mayroon akong isang laban sa iyo. Ito ay: Tinalikdan mo ang iyong unang pag-ibig. 5 Kaya nga, alalahanin mo kung saan ka nahulog. Magsisi ka at gawin mo ang mga gawang ginawa mo noong una. Ngunit kung hindi, papariyan ako agad sa iyo at aalisin ko ang lagayan ng iyong ilawan sa kinakalagyan nito maliban na ikaw ay magsisi. 6 Ngunit nasa iyo ang bagay na ito. Napopoot ka sa mga gawa ng mga Nicolaita. Napopoot din ako sa mga gawa nila.
7 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Sa sinumang magtatagumpay, ibibigay ko sa kaniya ang karapatang kumain sa bunga ng punong-kahoy ng buhay na nasa gitna ng halamanan ng Diyos.
Copyright © 1998 by Bibles International