Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
44 Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
45 Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47 Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48 Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49 Narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama. Ngunit manatili kayo sa lungsod ng Jerusalem hanggang kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.
Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit
50 Dinala sila ni Jesus hanggang sa Betania. Doon ay itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pinagpala sila.
51 At nangyari, habang pinagpapala niya sila, na siya ay nahiwalay sa kanila at dinalang paitaas sa langit. 52 Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na may malaking kagalakan. 53 Sa templo, sila ay nagpatuloy na nagpupuri at nagpapala sa Diyos. Siya nawa!
Copyright © 1998 by Bibles International