Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 8:16-24

Isinugo ni Pablo si Tito sa Corinto

16 Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagbigay sa puso ni Tito ng gayunding pagsusumigasig para sa inyo.

17 Ito ay sapagkat tinanggap nga niya ang pamamanhik, ngunit dahil sa higit na pagsusumigasig, nagkusa siyang pumunta sa inyo. 18 Isinugo naming kasama niya ang isang kapatid na ang pagpupuri ay nasa ebanghelyo sa lahat ng mga iglesiya. 19 Hindi lang gayon, kundi siya ay pinili ng mga iglesiya na maglakbay kasama namin sa kaloob na ito na siyang ipinaglingkod namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon at nang ikahahayag ng inyong kahandaan. 20 Iniiwasan naming may masabi ang sinuman sa kasaganaang ito na aming ipinag­lingkod. 21 Isinasaalang-alang namin ang nararapat na bagay hindi lamang sa harap ng Diyos kundi maging sa harap ng mga tao.

22 Isinugo naming kasama nila ang ating kapatid na lagi naming napapatunayang masikap sa maraming bagay. Sa ngayon siya ay lalong masikap dahil sa malaking pagtitiwala ko sa inyo. 23 Patungkol kay Tito, siya ang aking katuwang at isang kamanggagawa para sa inyo. Patungkol sa mga iglesiya, sila ay kaluwalhatian ni Cristo. 24 Ipakita nga ninyo sa kanila at sa harap ng iglesiya ang katibayan ng inyong pag-ibig at ang katibayan ng aming pagmamalaki sa inyo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International