Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Hindi sa Pagtutuli Kundi ang Bagong Nilalang ng Diyos
11 Tingnan ninyo, kung gaano kalaki ang mga titik na isinulat ko sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay.
12 Ang mga pumipilit sa inyo na kayo ay maging nasa pagtutuli ay sila na ang ibig lamang ay maging maganda sapanlabas na anyo. Ipinipilit nila ito upang huwag silang usigin ng mga tao dahil sa krus ni Cristo. 13 Ito ay sapagkat kahit na ang mga lalaking iyon ay nasa pagtutuli, sila ayhindi tumutupad sa kautusan. Subalit upang may maipagmapuri sila sa inyong katawan, ibig nila na kayo ay maging nasa pagtutuli. 14 Sa ganang akin, huwag nawang mangyari na ako ay magmapuri maliban lamang patungkol sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya, ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay napako sa krus sa sanlibutan. 15 Ito ay sapagkat walang halaga kay Cristo ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli, kundi ng pagiging bagong nilalang lamang. 16 Kapayapaan at kahabagan ang sumakanilang lahat na lumalakad ayon sa tuntuning ito, maging sa Israel ng Diyos.
17 Mula ngayon ay huwag na akong bagabagin ng sinuman, sapagkat taglay ko sa aking katawan ang mga marka ng Panginoong Jesus.
18 Mga kapatid ko, ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong espiritu. Siya nawa!
Copyright © 1998 by Bibles International