Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Lucas 11:14-28

Paanong Mapalabas ni Satanas si Satanas?

14 Si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo, iyon ay pipi. Nangyari, nang lumabas ang demonyo, ang pipi ay nagsalita at ang mga tao ay namangha.

15 Ang ilan sa kanila ay nagsabi: Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo. 16 Sinusubok siya ng ibang mga tao kaya hinahanapan nila siya ng tanda mula sa langit.

17 Alam niya ang kanilang iniisip. Dahil dito, sinabi niya sa kanila: Ang bawat paghaharing nahati laban sa kaniyang sarili ay napupunta sa kapanglawan. Ang sambahayang nahati laban sa sambahayan ay bumabagsak. 18 Kung si Satanas ay nahahati laban sa kaniyang sarili, papaano makakatayo ang kaniyang paghahari. Sinabi ko ito dahil sinabi ninyong ako ay nagpapa­layas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. 19 Kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Sa pamamagitan nito sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, ang paghahari ng Diyos ay dumating sa inyo.

21 Kung ang isang lalaking malakas ay nasasandatahan upangmagbantay ng kaniyang tinitirahan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas. 22 Ngunit sa pagdating ng higit na malakas kaysa sa kaniya, siya ay malulupig. Kukunin nito ang buong baluting pinagtitiwalaan niya at hahatiin ang mga naagaw sa kaniya.

23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.

24 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko. 25 Sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong nawalisan at nagayakan na. 26 Kung magkagayon, paroroon siya at magsasama ng pito pang espiritu na higit pang masama kaysa sa kaniya. Papasok sila roon at doon maninirahan. Kaya ang kalagayan ng lalaking iyon ay masahol pa kaysa sa una.

27 Nangyari, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaeng mula sa karamihan ang sumigaw. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga susong sinusuhan mo. 28 Sinabi ni Jesus: Oo, ang totoo ay pinagpala ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sumusunod dito.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International