Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Pahayag 20:7-15

Ang Malagim na Kahihinatnan ni Satanas

At kapag matapos na ang isang libong taon, pakakawalan si Satanas mula sa kaniyang kulungan.

Ito ay upang linlangin ang mga bansa na nasa apat na sulok ng daigdig. Ito ay ang Gog at Magog. Titipunin niya sila sa pakikidigma. Ang bilang nila ay katulad sa bilang ng buhangin sa tabing dagat. Sila ay umahon hanggang sa kabila ng kalaparan ng lupa. Pinalibutan nila ang kampo ng mga banal at ang lungsod na pinaka­mamahal. At ang apoy ay bumaba mula sa langit at tinupok sila. 10 At ang diyablo na nanglinglang sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at ng asupre, kung saan naroroon ang mabangis na hayop at ang bulaang propeta at doon sila ay pahihirapan araw at gabi, magpakailan pa man.

Hinatulan ni Cristo ang Mga Taong Patay

11 At nakita ko ang dakilang maputing trono at ang nakaupo rito. Ang lupa at ang langit ay tumakas mula sa kaniyang harapan. Wala ng lugar doon para sa kanila.

12 At nakita ko ang mga taong patay, hindi dakila at dakila na nakatayo sa harapan ng Diyos. At binuksan ang mga aklat at ang isa pang aklat ang binuksan, ito ay ang aklat ng buhay. Hinatulan niya ang mga patay ayon sa nakasulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 13 Pinakawalan ng dagat ang mga taong patay na taglay nito. At pinakawalan ng kamatayan at ng hades ang mga taong patay na nasa kanila. At hinatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa. 14 Itinapon ng Diyos ang kamatayan at hades sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan. 15 At ang sinumang hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawang apoy.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International