Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Pahayag 20:1-6

Ang Isang Libong Taon

20 At nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may taglay na susi ng walang hanggang kalaliman. Siya ay may hawak na malaking tanikala.

At hinuli niya ang dragon, na ito ay ang ahas noong matagal nang panahon. Siya ang diyablo at Satanas. Siya ay ginapos sa loob ng isang libong taon. Iti­napon siya sa walang hanggang kalaliman upang hindi na siya makapagligaw ng mga bansa. Sinarhan niya siya at nilagyan ng selyo sa ibabaw niya. Siya ay mananatili roon hanggang sa matapos ang isang libong taon. Pagkatapos ng mga bagay na ito kinakailangang pakawalan siya ng Diyos sa maikling panahon.

At nakita ko ang mga luklukan. Nakaupo rito ang mga tao at binigyan sila ng kapamahalaan upang humatol. Nakita ko ang mga kaluluwa ng mga lalaking pinugutan ng ulo dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at dahil sa salita ng Diyos. At nakita ko ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa kaniyang larawan. Hindi nila tinanggap ang kaniyang tatak sa kanilang mga noo at sa kanilang mga kamay. Ang mga taong ito ay nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ngunit hanggang sa matapos ang isang libong taon, ang mga natira na mga namatay ay hindi muling nabuhay. Ito ang unang pagkabuhay muli. Pinagpala at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay muli. Ang ikalawang kamatayan ay walang kapamahalaan sa mga taong ito. Ngunit sila ay magiging mga saserdote ng Diyos at ni Cristo at sila ay maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International