Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Kinapopootan ng Sanlibutan ang mga Alagad
18 Yamang ang sangkatauhan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago kayo.
19 Ngunit kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sangkatauhan ang sariling kaniya. Subalit hindi kayo sa sanlibutan.Hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil nga dito, kinapopootan kayo ng sankatauhan. 20 Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi nakakahigit sa kaniyang panginoon. Yamang ako ay kanilanginusig, kayo rin naman ay uusigin nila. Kung tinupad nila ang aking salita ay tutuparin din naman nila ang sa inyo.
26 Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan namagmumula sa Ama. 27 Kayo rin naman ay magpapatotoo sapagkat kayo ay nakasama ko na mula pa sa pasimula.
Copyright © 1998 by Bibles International